Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI MAUBOS-UBOS ANG DROGA

$
0
0

HINDI matapos-tapos ang mga patayan dahil sa droga. Sa loob ng isang araw, kung susumahin ay hindi bababa sa sampu ang namamatay dahil sa paggamit ng shabu.

Bukod sa mga namamatay sa lehitimong operasyon ng Philippine National Police (PNP) na “Oplan Tokhang” o “Oplan Double Barrel” dahil nanlalaban daw ang mga target, may mga iniuulat na pinapatay ng mga vigilante group. Pero teka, totoo nga bang may vigilante group?

Ayon sa PNP, hindi totoo na may vigilante group. Itong sinasabing “vigilante group” ang nasa likod ng tinatawag sa “death under inquiry” o DUI. Sila ‘yung mga maskaradong killers na nakasakay sa motorsiklo kapag may pinapatay na taong sangkot sa droga.

Malulupit ang mga demonyong ito. Walang pinipiling oras at lugar. Kahit natutulog na, katabi ang mga anak at asawa ng gustong biktimahin, kanila pa ring binabaril. Sila rin ang nasa likod ng mga summary executions o salvaging. Iginagapos at binabalutan na parang mummy ang bangkay ng mga pinapatay.

Sabi ng pulisya, hindi maaaring masangkot sa mga ganitong karumal-dumal na krimen ang mga pulis. Maaaring kagagawan ito ng mga tao ring sangkot sa bentahan ng droga.

Kadalasan, onsehan sa kinita ang dahilan ng patayan. Awayan sa sindikato o sa lugar lang ng bentahan.

Nakalulungkot na kung sino pa ang mga “piyait” o small time, sila-sila pa ang nagpapatayan sa maliit lang na halaga ng droga.

Bakit wala tayong nababalitaang malalaking isda o bigtime druglords na naggigyera? E kasi’y hindi sila tumitira ng shabu na kanilang produkto. Alam nila kung ano ang masamang epekto nito sa utak ng tao. Basta sila, nakapokus lang sa negosyo. Wala silang pakialam kung magkaganun. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>