Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TULOY ANG IMPEACHMENT VS VICE PRES. ROBREDO

$
0
0

IPINAGKAKATIWALA na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na nagsusulong na sampahan ng impeachment complaint si Vise-President Leni Robredo kahit nakiusap na ang Punong Ehekutibo na huwag ng ituloy ang nasabing kaso.

Kung inyong matatandaan, isa si House Speaker Bebot Alvarez ang nanindigan at tumututol sa pakiusap ni Pangulong Duterte na huwag nang ituloy ang pagsampa ng impeachment complaint laban kay VP Robredo.

Ipinagmatigasan pa ng nasabing Speaker na tanging dito lamang niya susuwayin at hindi niya susundin ang Pangulo dahil ito ay nakasaad sa kanilang mandato base sa Konstitusyon.

Pangalawa, kung pagbabasehan natin ang tatlong sangay ng gobyerno, ang legislative branch ang may karapatang gumawa ng mga batas, mag-amyenda at magpasalawang-bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihan na ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas na nahahati ang institusyong ito sa Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.

Kaya may karapatan nga naman na ituloy ni Speaker Alvarez ang kanyang paghahain ng impeachment complaint laban kay VP Robredo dahil ang ginawa raw ni Robredo ay isang impeachable offense.

Kaya, tuloy ang impeachment (kaya magbalot-balot ka na VP Robredo, hindi ako ang may sabi niyan). He..he..he.

MALAKAS KINA GOBERNADORA AT PD

PATULOY pa rin ang kaliwa’t kanang operasyon ng mga puwesto pijo ng drop balls sa lalawigan ng Nueva Ecija dahil binigyan na raw ng luwag ng lokal na gobyerno ng nasabing lalawigan.

Sa bayan ng Rizal, Nueva Ecija, ang may pa-drop balls na operator ay si Edison na nagmamalaki na malakas daw siya kay Gov. Czarina “Chery” Umali kaya tuloy ang pasugalan nito at sa bayan naman ng Sto. Domingo ang puwesto pijo ng drop balls ni Jovie na malakas naman kay N.E. PD Supt. Antonio Yarra.

Totoo ba ito?

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES