Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAAN GALING ANG YAMAN NI MANING CO?

$
0
0

DAPAT paimbestigahan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista si Barangay Commonwealth Punong Bayan Maning ‘Manny’ Co para matukoy kung saan galing ang yaman nito.

Mayor Bautista, si Co ay mayroong Mini Cooper at Toyota Land Cruiser. Malaki rin ang bahay nito.

Kung sweldo lamang ng pagiging kapitan ng barangay ang kita nito buwan-buwan, tiyak hindi magkakaroon ng Mini Cooper at Toyota Land Cruiser at malaking bahay itong si PB Co.

Hindi kaya isa si Maning Co sa mga opisyal ng barangay na nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kaugnayan sa iligal na droga bilang drug supplier o protektor ng sindikato ng iligal na droga?

Hindi kaya may pinatatakbo ring mga iligal na sugal tulad video-karera, iligal na negosyo tulad ng 5 – 6, kumikita sa bangketa, at iligal na terminal ng tricycle?

Dapat paimbestigahan talaga ni Mayor Bautista si Maning Co upang malaman kung bakit milyonaryo na ang punong barangay na ito.

Sa Brgy. Commonwealth, isang alyas Alvin ang nagpapa-5 – 6, isang alyas Niño ang may hawak ng video-karera, isang alyas Boyet ang kumokolekta ng renta sa bangketa ng mga vendor na nakapayong ang puwesto, at isang alyas Arman naman ang kumukuha ng bayad sa iligal na terminal ng tricycle.

Hindi pinatitigil o pinahuhuli ni Co sina alyas Alvin, alyas Nino, alyas Boyet, at alyas Arman.

Kung hindi kayo kayang patigilin ni Maning Co, si Quezon City Police District Director, C/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang magpapatigil sa inyo.

Si C/Supt. Eleazar pa, hindi lamang ang mga sangkot sa iligal na droga ang puntirya kundi lahat ng iligalidad.

LALAKAS ANG OPERASYON-LINIS SA CALOOCAN

LALAKAS ang operasyon-linis ni Mayor Oscar Malapitan sa Lungsod ng Caloocan, sapagkat dinagdagan ito ng puwersa ni Rep. Along Malapitan.

Kaya, inaasahang higit na malilinis ng administrasyon ni Malapitan ang Caloocan, sapagkat lumahok na rin ang puwersa ni Rep. Malapitan.

===
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>