Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LEKSYON MULA SA BANSANG VENEZUELA

$
0
0

NAGKAKAGULO sa pulitika sa bansang Venezuela sa Latin America ngayon.

At maganda na makakuha tayo ng leksyon mula sa bansang ito na may mahigit sa 200 Pinoy na naninirahan doon.

Ang bansang ito rin ang karibal ng mahal kong Pinas sa paramihan ng mga beauty queen.

Tinalo natin ang Valenzuela sa rami ng Miss Earth, talo tayo ng isang puntos sa Miss International, panalo ang Valenzuela sa Miss Universe ng apat at isa lang ang atin sa Miss World kumpara sa anim sa Valenzuela.

PINAKAMAYAMAN SA LANGIS

Itinuturing ang Venezuela na pinakamayaman sa langis sa buong mundo at 95 porsyento ng eksport nito ang langis.

Kaya naman, nang maupo si Hugo Chavez bilang Pangulo, ginamit nito ang kita sa langis para pagaanin ang buhay ng nakararaming Venezuelan.

All-out support ang mga tao sa kanyang pamahalaan. Nakinabang din ang maraming bansa, maging ang Amerika, sa murang langis mula sa Venezuela.

Ngunit nang bumagsak ang presyo ng langis mula sa nasa $145 kada bariles noong 2008 sa mahigit lang sa $30 kada bariles nitong nakaraang taon at hanggang sa nasa $53 lang ngayon, bumagsak din ang ayuda ng pamahalaan sa mga mamamayan.

KUMALAS SA AMERIKA

Kumalas sa kamay ng Amerika ang Venezuela nang umupo si Hugo Chavez bilang Pangulo noong 1999 hanggang mamatay siya noong 2013.

Inayawan ng pamahalaang Chavez ang pagtrato ng mga Kano sa Venezuela na parang isang kalabaw.

Ang isang kalabaw ay nilalagyan ng tali sa ilong at kung saan gusto ng amo na pupuntahan ng kalabaw, doon siya, at kaso ng Venezuela, sa interes ng Amerika lang dapat nakatuon ang nguso at paa ng Venezuela.

Pagkain, gamot, makinarya, proyekto, programa ng pamahalaan, pamahalaan mismo ay gusto ng Amerika na sila ang laging may control.

Pinalaya ni Chavez ang Venezuela mula sa Amerika at higit na nakipagkaibigan ito sa China at Russia sa lahat ng bagay.

Gumanda ang buhay Venezuela subalit nang bumagsak ang presyo ng langis at namatay ito, naiwan ang Venezuela sa kritikal na kalagayan.

BATANG CHAVEZ PANALO

Nang magkaroon ng halalan para sa 2013 – 2018 o anim na taong panunungkulan para sa Presidente, nanalo ang batang Chavez na si Nicolas Maduro ngunit konti lang ang diperensya sa batang Kano na si Henrique Capriles Radonski.

Pero noong halalang 2015 para sa National Assembly, nakararami sa mga nanalo ang mga kasama ni Radonski.

Ang nangyayari, halos lahat na lang ng batas na gawa ng National Assembly ay kontra sa gustong mangyari ni Maduro kaya ang ginawa naman ni Maduro ay gumawa ng sarili nitong batas.

Nitong nagdaang taon, ginustong i-impeach si Maduro ng mga assemblyman o mambabatas pero hindi pumatol ang higit na nakararaming mamamayan.

Isa pa, sinabi ng Supreme Court nila na kakampi ni Maduro na walang batayan ang impeachment at dapat na tapusin ni Maduro ang panunungkulan nito hanggang 2018.

SC TAKEOVER

Nitong nakaraang linggo, inalisan ng Supreme Court ang National Assembly ng kapangyarihan at ginawa nito ang sarili na siya na ang gagawa ng mga batas upang tumugma sa gustong mangyari sa bansa ni Maduro.

Prinotesta ito ng mga kalaban ni Maduro at sumama na rin ang mga Kano, European Eunion at kakampi nilang bansa sa 34 bansa na bumubuo ng Organization of American Countries, maliban sa mga bansang kakampi rin ng Chavez-Maduro government.

Dahil sa presyur na lokal at international, bumigay rin ang Supreme Court at ibinalik sa National Assembly ang kapangyarihang gumawa ng batas.

Ngayon ay may labanan sa pakikipagkasundo ng pamahalaang Maduro sa iba para, lalo na sa Russia, sa pagpupundar ng nasa $2.4-3 trilyong dolyar na halaga ng langis upang maibsan ang krisis sa pagkain, medisina at iba pang mahahalaga para sa taumbayan.

Ang sabi ng Supreme Court nila, hindi na dapat na makialam ang mga mambabatas sa National Assembly sa kasunduang papasukin ng gobyernong Maduro kung puro kontra lang ang lahat ng kilos nito.

Ang nakararami kasi sa mga mambabatas doon ay kasosyo at kakampi ng Amerika, lalo na sa mga pagkalkal at pagnenegosyo sa langis.

Nawalan ng control ang mga ito sa industriya ng langis nang isabansa ni Chavez ang industriya para sa kapakinabangan ng higit na marami kaysa iilang mayayamang kapitalista at politiko na mga batang Kano.

SINASADYA

Ngayon ay kulang sa pagkain, gamot at iba pa at lumalabas na sinasadya ng mga mayayaman sa Venezuela na paralisahin ang mga industriyang ito, sa tulong ng mga Kano upang tumindi ang krisis at masibak at mapalitan na nila si Maduro.

Ngayon, mga Bro, may leksyon ba tayong mapupulot dito?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>