Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAP DAPAT NANG KALKALIN TALAGA

$
0
0

SINASABI ni Pang. Rodrigo Duterte na kakalkalin na ng kanyang pamahalaan ang mga iskam sa Disbursement Acceleration Program.

Matatandaang sa pinal na desisyon ng Supreme Court noong Pebrero 2015, idineklara ang P144-bilyong DAP na labag sa Konstitusyon bagama’t may ilang bahagi nito na hindi.

Ang mga author o lumikha ang dapat na managot umano bagama’t maaaring mananagot din ang mga “proponent” o “implementor” ng mga proyekto, depende sa kalalabasan ng mga imbestigasyon ng mga kinauukulan gaya ng Office of the Ombudsman o Commission on Audit.

HINDI UGALI

Ayon sa Pangulo, past is past pagdating sa pulitika kapag natapos na ang halalan at hindi niya ugaling ilublob sa putik ang kanyang mga nakatutunggali makaraan.

Kung maaari nga lang sana ay himukin pa niya ang iba na sumama at tumulong sa kanyang administrasyon.

Kaiba ito sa pinaggagagawa noon ni ex-President Benigno Aquino at kanyang mga kasamahan na makaraang manalo ay walang inatupag kundi idemanda, sibakin sa puwesto o ipakulong ang kanyang mga kritiko gaya ng tatlong senador, isang dating Pangulo, isang Ombudsman at isang ex-Chief Justice.

Marami ring lokal na opisyal na ginusto nitong pagsisibakin para palitan lang ng kanilang mga bata-bata sa pulitika gaya ni VP Jojo Binay na mayor noon sa Makati.

DIGONG IDINADAMAY

Kahit wala na sa poder ang mga Aquino at mga kakosa ng mga ito bagama’t marami pa rin ang nalalabing kasamahan ng mga ito na makapangyarihan pa rin dahil nasa Kamara at Senado at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, maging sa Supreme Court, gusto nilang mamamayani ang dati nilang gawi.

At mismong si Pang. Digong ay idinadamay ng mga ito.

Wala pang isang taon ay katakot-takot nang paninira ang ginagawa ng mga ito sa Pangulo at marami nang hakbang ang pinaggagawa ng mga ito upang mapatalsik ito sa puwesto.

Ilang beses nang nanawagan ang mga ito sa mamamayan na mag-People Power, may naghain ng impeachment, may paninira rin sa labas ng bansa na lumikha ng ‘di patas na balita ukol giyera sa droga at paglabag umano ni Pang. Digong sa karapatang pantao at pinagbibintangan pa ang Pangulo na may tagong yaman.

MAY MGA PINAGTATAKPAN

Ano nga ba talaga ang nasa likod ng mga pagkilos upang patalsikin sa puwesto si Pang. Digong sa kabila ng paglabas ng pagsuporta sa kanya ng nasa 81-milyong mamamayan mula sa 100M Pinoy, lalo na sa giyera sa droga?

Ano ang dahilan at hindi pinahahalagahan ng mga kritiko ang pagpapakita ni Pang. Digong ng pagmamalasakit sa 3M senior citizen na sinimulang bigyan ng dagdag-pensyon ngunit ipinagkait ng administrasyong Aquino noon?

Wala rin bang halaga ang nasimulang laban sa kontraktuwalisasyon na bumibiktima sa higit na nakararami sa nasa 48M obrero sa bansa?

Ang laban ba droga, krimen at korapsyon na tuloy-tuloy na isinasagawa ay walang halaga?

Ang pagkilos ba ng Pangulo para maging lubos na malaya mula sa kuko ng mga dayuhang Kano at Europeo at pakikipagkaibigan sa ibang mga bansang hindi kasunod ng mga Kano at Europeo gaya ng Tsina at Russia ay mortal na kasalanan sa bayan?

O may mga iba pang bagay na gustong pagtakpan ang mga Aquino at kakosa nito na ayaw nilang malantad sa madla dahil sa giyera sa korapsyon at pandarambong?

ANG DAP

Ngayon nga’y gusto ni Pang. Digong na buksan ang mga napababalitang anomalya sa DAP.

Gaano ba kalaking bahagi ng P144-bilyong DAP ang napunta sa mga iskam sa pulitika, korapsyon at pandarambong at gaano kalaki ang bahagi nito ang napunta talaga sa kapakanan ng mamamayan?

Isang tanong: Gaano kalaki mula sa DAP ang ginamit para patalsikin sa puwesto noon si ex-Chief Justice Renato Corona na nanguna sa pagdedesisyon ng Supreme Court para ipamahagi na sa mga magsasaka ang Hacienda Luisita?

‘Yun bang === gaano kalaki ang pinawalan ng mga kritiko ni Pang. Digong para pagbibigyan ng “insentibo” o “suhol” para sa namayapa nang senador na si Miriam Defensor-Santiago ang mga kongresman na nang-impeach kay Corona at mga senador naman na bumoto laban kay Corona?

May umamin na senador noon na P50M ang pinakamababang halaga na insentibo o suhol sa kanila samantalang P100M naman ang ibinigay sa apat sa mga senador.

Take note pa: Nakaupo pa ang marami sa mga senador na sangkot sa impeachment ni Corona, gayundin ang mga kongresman.

Ayon naman sa Commission on Audit, limpak-limpak na salapi sa nasa 116 proyektong DAP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang naging kwestiyonable at hindi pa malinaw sa bayan kung isinauli na ang mga ito sa national treasury.

Ang isang misteryo pa rito, bakit si dating Department of Budget and Management Secretary Butch Abad lang ang idedemanda ng Ombudsman at bakit hindi kasama si Aquino na kapareho niyang author ng DAP?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>