Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PABAHAY NG SUNDALO AT PULIS, MINADALI KASI NG NHA

$
0
0

TILA minadali ng National Housing Authority ang pagpapatayo ng mahigit 4,000 units na pabahay para sa mga sundalo at pulis sa panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez, mabilisan na itinayo ng NHA ang mga pabahay nang walang koordinasyon, ni hindi man lamang kinonsulta ang mga benipisyaryo kung ito ay matitirahan ng mga ito.

Sa ginawang pagsisiyasat ni Senate Chairman Urban Planning, Housing and Resettlement Committee Senator JV Ejercito ay napag-alaman na mabilisan na bumili ng lupa ang nasabing ahensya.

Ginawa ang pagbili kahit ito ay nasa isang liblib na lugar ng Pandi, Bulacan nang walang anomang kompirmasyon mula sa mga kinauukulan.

Ang masakit pa rito, ang mga housing unit sa Pandi ay sobrang liit ang flooring area ng bawat unit na sa pagkaka-alam ko na may sukat na 22 square meters na pihado na magsisiksikan ang pamilyang titira sa pabahay na ito.

Ang matindi pa rito, ‘yung pinagtayuan ng pabahay ay walang linya ng kuryente at wala ring pagkukunan ng tubig kaya nakabinbin ng mahabang panahon hanggang sa magkandabulok-bulok at nasira na ang ibang mga bahay.

Kaya tama lang na okupahan ng Kadamay ang nasabing pabahay na ginastusan ng gobyernong Aquino ng bilyong piso na mabubulok nang paganon-ganon na lamang.

Ni multo nga ay hindi pananahanan ang pabahay na ito.

NAGBIBINGI-BINGIHAN SINA GOB AT PD

Sa Sto. Domingo at Llanera ng lalawigan ng Nueva Ecija ang papwesto pijo ng mga drop ball ni Jovie Fronda.

Pero sa kabila ng kaliwa’t kanang reklamo ng mga Novo Ecijano ay patuloy pa ring nagbibingi-bingihan si Nueva Ecija Gov. Cherry Umali at ang PD nito na si Supt. Antoni Yarra.

Bakit hindi ipinahuhuli ni gobernadora kay Col. Yarra?

Huwag naman niyang sabihing may padulas din ang tanggapan ng kapitolyo.

oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>