Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMA LANG ANG BATAS-MILITAR

$
0
0

BANTAY-SARADO ngayon ng taumbayan ang ginawang deklarasyon ng Martial Law o Batas-Militar ni Pangulong Digong Duterte sa rehiyon ng Mindanao.

Kasunod ito ng demonyong galaw ng bandidong grupo ng pamilya Maute sa Marawi City kaya tuloy napauwi nang wala sa panahon ang Lolo Digong ko mula sa bansang Russia.

Pambihira naman! Agad-agad ay pinuri ng mga kaalyado ni Duterte sa Kongreso ang Pangulo sa isyu ng Batas-Militar pero hindi rin nagpatalo ang oposisyon dahil agad-agad din sila sa pagbatikos.

Pwede kayang manahimik muna tayo? Manahimik muna tayo kahit isang saglit upang bigyan naman ng pagkakataon ang diskarte ng kasalukuyang administrasyon sa pagbabalik ng katahimikan at kaayusan sa naturang rehiyon.

Saludo ako kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Cereno dahil sa mabilis nitong tugon o kilos bilang tanda ng pagsuporta sa pahayag ni Duterte na mananatiling bukas ang lahat ng korte sa Mindanao.

Nagpalabas si Cereno ng kautusan bilang pinuno ng sangay ng Hustisya ng ating gobyerno batay sa kagustuhan ng pinuno ng sangay ng Ehekutibo sa katauhan ni Duterte. Iisa ang kanilang tono!

Nakiisa rin sa tono ng Pangulo ang pinuno ng sangay ng Lehislatura o ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan isasalang ang deklarasyong Batas-Militar na ito.

Aba’y saludo rin ako sa dating Pangulong Noynoy na naging tikom ang bibig sa isyung ito kahit na alam naman natin na kinakati ang buong katawan [yata] nito kapag nakaririnig ng mga salitang ‘Martial Law’.

Masyado pang maaga upang batikusin ang Batas-Militar gaya ng ginagawa ng oposisyon. Seryoso ang nangyari sa Marawi City at tiyak itong aapaw sa mga karatig-lalawigan hanggang sa buong rehiyon.

Sige lang sa Batas-Militar! Bukas na natin pag-usapan kung tama ba ito o naging matagumpay ba ang administrasyong Duterte sa paggamit ng Batas-Militar sa panahon na ito. Ang mahalaga ay umaksyon agad-agad!

Mayroong bumabatikos naman patungkol sa kapalpakan ng militar sa kanilang tinatawag na ‘intelligence operations’ kaya raw nangyari ito sa Marawi City. Nalimutan [yata] ng mga ito ang ‘9/11 Terror Attack’ sa Amerika.

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>