Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPITAN, KINAKAMUSTA KAYO SA DROGA!

$
0
0

TULOY-TULOY ang giyera sa droga at nakapanghihinayang ang pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa mga nasabing opisyal ang mga kapitan ng barangay na inihahalal pa mandin ng mga mamamayan upang sila’y mapangalagaan mula sa kuko ng droga at krimen.

Ngayon ay sabay-sabay ang mga hindi magagandang balita ukol sa mga kapitan.

SI KAP. SARMIENTO

Ayon sa pulisya, isang high-value target si Kapitan Angelito Sarmiento, ng Brgy. 751, Malate, Manila sa kampanya laban sa droga.

Paliwanag naman ni C/Insp. Paul Sabulao, Arellano Police Community Precinct commander, basta na lang pinasok ng apat na armadong kalalakihan si Sarmiento sa bahay nito saka pinagbabaril.

Hindi naman idinamay ng mga killer ang asawa nito at mabilis na tumakas ang mga salarin.

Sabi ng pulisya, nasa drug watchlist si Sarmiento ngunit sinasabi naman ng mga kamag-anak nito na maaaring pulitika ang nasa likod ng pamamaslang.

Alin kaya ang totoo rito?

Sana, lalabas ang buong katotohanan.

SI KAP. MAURICIO

Hapon at nagpapa-renovate ng kanyang barangay hall si Jerboy Mauricio, kapitan ng Brgy. 68, Caloocan City nang ratratin ito ng mga armadong kalalakihan na naka-jacket ng itim.

Nasa 12 bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan i kapitan na dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng City of Manila, isa ring high value target si Mauricio sa giyera sa droga.

Magkagayunman, sinasabi ni C/Insp. Ilustre Mendoza, assistant chief for administration, na kanila pang iimbestigahan kung ano talaga ang motibo sa pagpaslang sa kapitan.

May nakalap ang pulisya na cellphone ng biktima at titingnan umano ang nilalaman nito kung makapagbibigay-linaw sa krimen.

Hindi naman matiwak ni Mendoza kung nauugnay sa droga ang dahilan ng pagpatay at magdedepende umano ang lahat sa kalalabasan ng imbestigasyon.

SI KAP. ESPINOSA

Sumuko sa Police Station 1 ng Iloilo City si Kapitan Keith Espinosa, ng Brgy. Monica-Blumentritt, City Proper, Iloilo City.

Uminit ang pangalan ni Espinosa na isang drug protector kaya nagkusa na lamang itong sumuko.

Itinatwa ni Espinosa ang bintang at gusto nito umanong linisin ang kanyang pangalan.

Nauna rito, nadakip ang mister nito si Jingjing Espinosa na dating kagawad sa nasabing barangay at nakakulong na sa Iloilo District Jail.

Naging tauhan umano si Jing-Jing ng napaslang na si Melvin Odicta, Sr.

Si Odicta at ang asawa nito na kasama niyang napatay ang pinaghihinalaang pinakamalaking druglord sa Visayas noon.

SI KAP. JABLO

Itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency si Kapitan Noemi Jablo, ng Desamparagos, Jaro na high-value target. Asawa ni Jablo si Rusty Jablo na nagpakamatay.

Bago nagpakamatay, sumailalim ito sa drug rehabilitation programa ng pamahalaan.

Kasama ni Jablo sumuko ang kanyang anak na si TJ; kanyang bayaw na si Russel Jablo; at mag-asawang Bryan “Arsap” Jablo at April, ng Desamparados; at Rovel Gardose ng Brgy. Tacas, Jaro.

SI KAP. PREVENDIDO

Kasama sa mga sinusubaybayan ng pulisya ang isa pang kapitan ng barangay – si Remia Prevendido Gregori. ng Brgy. Bakhaw sa Mandurria District.

Kapatid umano si Remia ng nagtatagong malaking druglord na si Richard Prevendido.

Pinagdududahan ng pulisya at PDEA si Prevendido dahil sa kanyang nasasakupang barangay nakikita umano ang mga palatandaan ng malaganap na droga sa dami ng mga naiuulat na mga pusher at adik.

Nagsasagawa umano ang City Council ng imbestigasyon sa mga barangay na may malalang kondisyon sa droga.

Makatutulong naman umano ang imbestigasyon sa paglilinaw ng lahat, ayon kay S/Supt. Remus Zacharias Canieso na chief of police ng Iloilo City.

BABAE, LALAKI

Kung mapapansin ninyo, mga Bro, mga lalaki at babaeng kapitan ng barangay ang isinasangkot sa paglaganap ng droga sa kani-kanilang lugar.

Parehong lalaki sina Kap. Sarmiento at Mauricio. Mga babae naman sina Espinosa, Jablo at Prevendido.

Kung totoo lahat ang mga bintang na pawang mga high value target ang mga ito, anak ng tokwa, nakatatakot ang mga kapitan.

Nakatatakot isiping ang ating mga inihahalal na kapitan ang pasimuno ng krimeng droga sa ating mga sariling barangay.

I-stop sila.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>