Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DELIKADONG MAHINOG SA PILIT

$
0
0

ISANG buwan na lang halos ay muli na naman tutungo si Pangulong Digong Duterte sa Kongreso para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Natitiyak kong alam ito ng mga opisyal ni Lolo Digong lalo na ang Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Bago nagsimula ang buwan ng Ramadan ay nilusob ng grupong Maute ang Marawi City kung saan iwinagayway ang napakaraming watawat ng demonyong grupong ISIS kung saan itong si Isnilon Hapilon daw ang kinatawan nito sa bansa.

Hanggang ngayon ay naroon pa rin sila kaya tuloy ang bakbakan, tuloy ang pagkamatay sa panig ng mga bandidong terorista at operatiba ng gobyerno maging ang mga kaawa-awang sibilyan na naipit sa kaguluhan na iyon.

Kung ako ang mga hepe ng DND, AFP at PNP, hahayaan ko bang umabot pa sa araw ng SONA ni Lolo Digong ang kaguluhan sa Marawi City?
Hahayaan ko bang mabatikos ang amo kong si Pangulong Duterte nang dahil sa kaguluhan na ito?

Ito ang aking pangamba sa nalalapit na SONA ni Lolo Digong na [baka] mahinog sa pilit ang pagbibigay solusyon sa kaguluhan sa Marawi City lalo na’t nang dahil dito’y idineklara ang Batas Militar.

Sa aking pag-iisa, naiisip ko kung ito kaya ang dahilan kaya sige nang sige ang paggamit ng tinatawag na ‘air assets’ ng gobyerno dahil ginagahol ang mga ito sa nalalapit na SONA.

Gibang-giba na ang Marawi City nang dahil sa walang humpay na pambobomba ng mga eroplano ng gobyerno. Ito ang dahilan kaya may mga tao o grupo na ang nanawagang itigil na ang paggamit ng ‘air assets’ ng gobyerno.

Kapag hindi natapos ng DND, AFP at PNP ang kaguluhan sa Marawi sa araw ng SONA ay tiyak na lalabas na kahiya-hiya ang ating Pangulo lalo na sa mga wala nang magawang kampo ng oposisyon kundi bumatikos sa administrasyong Duterte.

Tiyak na muling magniningas ang mainit na batikos sa paggamit ng Batas Militar sa buong rehiyon ng Mindanao bagaman sa aking karkulasyon ay kukulangin ang dalawang buwan para tapusin ang kaguluhan sa Marawi City.

Kung gayon ay hindi na dapat pang ipilit o gahulin ang DND, AFP at PNP na tapusin ang gulo bago sumapit ang araw ng SONA.
Matapos man o hindi ay tiyak naman na babatikos pa rin ang oposisyon.

Mahirap o delikado ang buhay ng mga sibilyan at maging ng mga sundalo at pulis kung ipipilit itong matapos agad-agad para maisalba lamang ng mga hepe ng DND, AFP at PNP ang kanilang sarili sa harap ni Lolo Digong.

***
Para sa inyong komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com. EKSPERTO/JOIE SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


INUMAN QUOTES


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Happiness Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog Breakup Quotes


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>