Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAHUSAY SI PCSO GM BALUTAN

$
0
0

SA totoo lang, dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa iba’t ibang panig ng bansa at walang humpay na intrigahan sa pulitika, maraming magagandang pangyayari ang hindi masyadong nabibigyang-pansin ng publiko.

Katulad na lang halimbawa ng balita mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office na kumita sila ng P5.018-bilyon mula sa operasyon ng Small Town Lottery sa loob lamang ng limang buwan sa taong ito.

Kung ikukumpara, ang nasabing halaga ay mahigit doble sa kinitang P2.066-bilyon mula sa STL sa pareho ring panahon noong nakaraang taon.

Kaya naman, tuwang-tuwa si PCSO GM Alexander Balutan dito sapagkat napatunayan niya na maaaring kumita ang STL basta maayos at masinop lang ang pamamahala rito.

At dahil nga sa mahusay na pamumuno ni GM Balutan ay nakapamahagi na sa loob lamang ng limang buwan sa taong ito ang PCSO ng halagang P2,842,144,673.84 ng medical assistance para sa 137,768 benepisyaryo.

Kaya naman tuwang-tuwa ang maraming mahihirap na natulungan at tinutulungan pa ng PCSO hanggang ngayon.

Umaabot sa 30 porsyento ng kinikita ng STL ang napupunta sa mga gawaing pantulong ng PCSO tulad ng Individual Medical Assistance Program, kaya naman mahalaga talagang mabantayan ang operasyon ng STL.

Balik tayo sa usaping STL, dahil sa malaking kinita nito sa taong ito ay mukhang nakukumpirma ang mga haka-haka noong nakaraang mga taon pa na pinagkakakitaan ito ng ilang sindikato at mga indibidwal na kumikilos diyan sa PCSO.

Napakaraming mahihirap na may sakit ang umaasa para matulungan ng PCSO subalit dahil nga sa hindi maayos na sistema noong nakaraang mga pamumuno ay hindi magawa ng tanggapan ang mandato nito.

Noong unang maupo si Pangulong Digong ay sinabi niyang isa sa mga pangunahin niyang prayoridad ay matulungan ang mahihirap na may sakit kaya naglalaan siya ng malaking pondo para sa public health care system.

At dahil nga sa malaking kinikita ng STL sa taong ito, lumilitaw na talagang sa mahabang panahon ay ginawa itong gatasang baka ng ilang tiwali riyan sa nasabing ahensiya.

Mabuti na lamang at si GM Balutan ang inilagay diyan ni Pangulong Digong kaya ngayon ay mas maayos na ang sistema at pamamalakad sa PCSO.

Kaya naman sumasaludo tayo sa mga taga-PCSO sa pangunguna ni GM Balutan kasama na rin ang kaibigan nating si Ka Joseph Muego dahil sa maayos nilang pagtupad ng kanilang mga tungkulin.

Mabuhay kayo! OPEN LINE/BOBBY RICOHERMOSO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>