Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAS EPEKTIBONG MTPB SA ADDA

$
0
0

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang pagsasailalim sa mas matinding training sa mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang mas maunawaan ng mga ito ang tamang paghuli sa mga lumalabag sa anti-distracted driving act (ADDA).

Makatwiran ang nais ng dating pangulo ng bansa na mas maging epektibo ang mga tauhan ng MTPB sa pagpapatupad ng bagong kautusan na naglalayong maiwasan ang peligro sa buhay ng mga motorista na hindi maiwasan ang paggamit ng gadgets at mobile phone habang nagmamaneho.

Nais ni Mayor Estrada na makabisa ng nagmamando ng traffic sa kanyang nasasakupan ang kabuuan ng ADDA bago magsimula ang mga itong manghuli ng mga lumalabag sa batas.

Binigyang-halaga ni Mayor Erap ang kahalagahan ng may kaalaman sa ADDA upang hindi magkaroon ng aberya sa panghuhuli ang kanyang mga tao sa mga motoristang matigas ang ulo at walang pakundangan sa paggamit ng telepono habang nagmamaneho.

Kaya nga nais ng “ama ng Maynila” na isailalim ang may 200 MTPB members sa seminar na dapat isagawa, na pangangasiwaan ng Land Transportation Office.

Nais ni dating pangulong Estrada na mga tauhan ng LTO at Metropolitan Manila Development Authority ang magpatupad ng batas at manghuli sa mga motoristang lalabag sa bagong batas na marami ang tumutol.

Naniniwala si Mayor Estrada na makabubuti para sa mga tauhan ng sangay ng trapiko sa kanyang lungsod na ipagpaliban muna ang panghuhuli sa mga pasaway na motorista na lalabag sa ADDA. Ngunit ipinag-utos niya ang tuloy-tuloy na pagmamando ng trapiko ng enforcers na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Kaya nga bagaman nagsimula na noong Hulyo 7 ang pagpapatupad ng ADDA, hindi pa kumikilos ang MTPB upang manghuli ng mga lumalabag nito. Hindi lang mga motoristang gamit ay sasakyang apat ang gulong ang hinuhuli ng mga law enforcers kundi maging ang mga lulan ng motorsiklo.

Naniniwala si Mayor Estrada na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa Maynila kapag sumailalim sa training sa pagpapatupad ng ADDA ang MTPB sapagkat hindi na ang mga ito basta-basta manghuhuli kapag hindi sila sigurado sa implementasyon at walang kaukulang ebidensiya. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>