Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FARIÑAS DINURO AT IPINAHIYA ANG TAGA-BOC

$
0
0

NAKALADKAD sa kontrobersya ang Kamara del Representantes nang balewalain ni Speaker Pantaleon Alvarez at ng kanyang ‘kanang kamay’ na si Majority Leader Rodolfo Fariñas ng Ilocos Norte ang desisyon ng Court of Appeals na palayain ang anim na kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte o ‘Ilocos 6.’

Ilang ulit na dinala ng sheriff ng CA sa Kamara ang desisyon ng CA, ngunit gayundin karami ang pagbasura ni Fariñas sa desisyon ng korte.

Inakusahan pa ni Alvarez ang tatlong huwes ng CA na pawang “siraulo” at “gago.”

Nanakot pa si Alvarez na kayang ipabuwag ng Kamara ang CA kung gugustuhin nito dahil ang Kongreso ang gumawa sa CA.

Maraming nagalit at bumatikos sa dalawang opisyal, lalo na kay Fariñas na ang katotohanan ay naging majority leader ng Kamara makaraang kumaripas na umalis sa Liberal Party (partido ni Benigno Cojuangco Aquino III) noong Hulyo 2016 at lumipat sa PDP-Laban (partido ni Rodrigo Duterte).

Kumbinsido silang mga kritiko na maling-mali ang pambabatikos nina Alvares at Fariñas sa CA.

Isa sa mga bumatikos sa liderato ng Kamara ay si Atty. Mandy Mercado Anderson.

Si Anderson na nagtapos ng abogasya sa Ateneo de Manila University ay ika-5 sa 10 nanguna sa 2015 bar exams.

Siya ay nagtatrabaho sa isa sa mga pangunahing law firm sa Pilipinas bago maging chief of staff ni Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa kanyang personal FB Account, inakusahan ni Anderson si Alvarez na “imbecile,” dahil sa pananakot nito sa CA.

Ang ibig-sabihin ng imbecile ay “istupido” at “idyot.” Personal na opinyon iyon ni Anderson.

Ngunit, naging paksa ng publiko ang akusasyong imbecile si Alvarez nang banggitin ito ni Fariñas sa pagdinig ng Committee of Ways and Means ng Kamara hinggil sa pinalusot (sa green lane ipinaraan kaya libre sa sitahan) na P6.4-bilyong halaga ng shabu sa BOC ilang linggo na ang nakalilipas.

Dahil kay Fariñas, muling nakaladkad ang Kamara sa ‘masamang estado’ o ‘kahihiyan.’ BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>