BIGYAN natin ng daan na mailathala sa espasyong ito ang liham ng concerned citizen na nagmamalasakit sa mga kababayang Bikolana na nire-recruit ng kapwa Bicolana bilang domestic helpers sa Malaysia.
Ang masakit dito, pinagmalasakitan nga ‘yung kababayan niya pero pinagsamantalahan naman gaya ng pagbabawas ng napakalaki sa suweldo niya.
Basahin natin ang nilalaman ng liham:
Dear Mr. Juan de Sabog: Puwede po bang matulungan ninyo ako na mailathala sa inyong malaganap na kolum ang pang-uuto ni Edith Cervantes na isang “agent-recruiter” ng Success Recruitment Agency na my office sa Bangkal, Makati City.
Si Edith po ang nagdadala ng mga Pinay bilang DH sa agency papuntang Malaysia na karamihan po ay Bikolana at pawang mga kababaryo niya.
Ang ginagawa niya ay pinapalitan niya ang kontratang galing sa Pinas at binababa niya ang sahod na siya po mismo ang nagreretoke.
’Yung agency sa Malaysia at siya ay magkakasapakat sa mga panloloko.
Kaya naman wala pang isang taon ay malaki na ang kanyang house sa Guinobatan, Albay dahil sa mga hindi magandang patakaran niya na pinatutupad sa mga na-recruit niya.
Kapag napaalis na po ‘yung mga narecuit nito papuntang Malaysia, magkakaroon na siya ng pagkakataon palitan ang nilalaman kontrata sa Malaysia. Gagawa siya ng bagong kontrata kahit hindi nakapirma ang DH at ‘yun ang ipakikita sa employer na amo sa Malaysia. 1,700 ringit na katumbas ng $400 pero gagawin niyang 1300 ringit at dito napakalaki ng ginatas niya sa DH.
Sir Juan de Sabog, kailangan pong makarating ang liham kong ito sa mga kinauukulan dahil hindi na po maganda ang ginagawang panloloko ni Edith sa mga Bikolana na gusto lamang guminhawa kahit paano.
VK SA CAINTA, FRONT NG BENTAHAN NG TOBATS
Wala pa ring tigil ang pagpapalaganap ng operasyon ng video-karera nitong si Junie sa Cainta, Rizal ang katwiran kasi ng mamang ito na malakas siya kay Cainta COP Supt. Serafin Petalio kaya naman walang humpay ang operasyon nito.
Ang balita ay nasa likod daw ni hepe si Cainta Mayor Kit Nieto kaya naman patuloy ang pagpapalaganap ng mga VK ni Junie na kalimitan na front ng malawakang bentahan ng shabu para sa mga player ng mga ito.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
