Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG INAASAM-ASAM NATING GINTO

$
0
0

KATATAPOS lamang ng SEA Games kung saan pumang-anim sa labing-isang bansa ang Pilipinas sa medal standing.

Hindi naabot ng koponang Pinoy ang target na maka-50 gold o kaya ay malampasan man lang ang 29 gold na nakuha natin dalawang taon na ang nakalilipas.

Congratulations sa mga atletang Filipino.

Ngunit sa kabila ng standing natin sa medal tally, masasabi pa rin na napag-iiwanan na tayo ng ating mga kapitbahay pagdating sa sports.

Malayo na ang narating ng bansang Vietnam, halimbawa, na dati ay tinatalo-talo lang natin o ng Singapore o Thailand.

Lamang na lang tayo ngayon sa Cambodia, Laos at Myanmar, Brunei at East Timor.

At ‘pag sinuri pa nating mabuti ay lumalabas na mas marami sa nagwagi ng ginto para sa Pilipinas ang mga mestisong Pinoy o mga may dugong banyaga na ang training ay sa ibang bansa at hindi rito sa Pilipinas.

Marahil ay kailangan na talagang suriin ng pamahalaan ang katayuan ng sports sa Pilipinas kung bakit mukhang napag-iiwanan na tayo talaga na kung hindi dahil sa mga may dugong banyagang Pinoy na trained abroad ay mas lalo tayong mapag-iiwanan.

Ito ay ASEAN pa lang.

Lalo na kung sa Olympics pa na kung saan hindi pa tayo nakasusungkit ng gintong medalya.

Panahon na para mag-concentrate ang Pilipinas sa mga sports na may laban tayo.

Halimbawa ay sa boxing at mga precision sports kung saan mataas ang pag-asa nating manalo.

‘Yung mga sports na hindi kailangan ang tangkad.

Kailangan na rin na mag-lobby nang matindi ang Pilipinas para ang bowling at billiards ay maging Olympic sports.

Many years back ay ginawang demonstration sports ang mga ito at ang nanalo ng gold sa bowling ay si Bong Coo.

‘Yun nga lang ay hindi kasama sa medal standing ang demonstration sports.

Isa pa talaga ang billiards na sinasabing maraming Pinoy ang mahuhusay.

Kapag kasama na ang billiards at bowling sa Olympics ay malaki ang pag-asa ng Pilipinas na makakuha ng ginto kaya sana ay maisama na ang billiards at bowling sa Olympics.

Mabuhay ang mga atletang Pinoy! SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>