Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA HAMON SA GENERALS SA BOC AT PDEA

$
0
0

BUKOD sa selos, droga ulit ang nagdulot sa isang tao na gumawa ng masaker sa isang condominium sa Pasay City kamakalawa ng madaling-araw.

Walang sinanto ang durugistang si Alberto Garan dahil maging ang 12-anyos na bata ay kanyang pinagsasaksak at pinatay.

Namatay agad ang bata at estudyanteng si Daisery Castillo at si Joel Palacios na isa nating kaibigan at aydul sa pamamamayag.

Patay rin sina Emelyn Sagun, Ligaya Dimapilis, at Leticia Ecsiagan.

Tinadtad ng saksak ang lahat ng biktima bagama’t napatay ng mga pulis si Garan ilang oras matapos ang pangyayari.

KAHIT PATAY MAGBABAYAD

Sinasabing case closed na ang kaso dahil nakilala at napatay ang suspek.

Pero para sa ating Uzi, hindi pa tapos ang kaso. Karaniwang hinahabol maging ang patay ukol sa mga danyos perwisyo.

Hindi libre ang buhay ng isang tao. Wala ngang halaga ang buhay subalit kapag nakarating ang kasong murder o homicide at iba pang pagpatay sa hukuman, inoobliga ang patay nang suspek na magbayad ng iba’t ibang danyos.

Karaniwang nasa P50,000 ang pinakamababang halagang ibinibigay sa bwat pamilya ng mga biktima.

Karaniwang sinisingil ang patay sa pamamagitan ng mga ari-ariang kanyang naiwan.

TULAK, DRUGLORD

Hindi ring dapat na ideklarang case closed ang kaso ni Garan dahil may halo umano itong droga.

Nasa kamay ng pulisya at iba pang awtoridad ang paghalukay kung paaano nasangkot sa droga si Garan.

Dapat alamin kung sino-sino ang mga kasamahan ni Garan sa droga, kung sino ang mga tulak at druglord nito.

Dapat na mahuli at mapanagot ang mga ito.

Ito’y para hindi na muling makapapanday ang mga ito ng katulad ni Garan.

CONSULTANT

“Naghahanap ako ng pera para sa inyo.”

Ito ang laging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Digong Duterte tuwing may mga nangangailangan ng ayuda ng pamahalaan.

Pero tahimik lang ang iba, lalo na ang mga opisyal ng gobyerno na punom-puno ng mga consultant.

Marami kasing ginagawang consultant na mga kamag-anak, kaibigan, kapitbahay at kakosa sa pulitika ng mga nasa gobyerno.

Mayroon pa ngang mga consultant na tsuper, kasambahay at iba pa ng mga politiko.

‘Yun bang === lahat ay sumasahod sa gobyerno at hindi sa bulsa mismo ng mga nasa gobyerno.

Ito ang dahilan kung bakit marami ang tahimik na mga opisyal ng gobyerno ukol sa paghahanap ng salapi para sa bayan ni Pang. Digong.

KONSUHOL, KONSULSOL

Pero may mga espesyal na consultant at iyon ang mga konsuhol at konsulsol.

Sa paggawa ng milagro ng mga opsiyal ng gobyerno, karaniwan silang naghahanap ng mga matitibay ang sikmura sa pagharap sa mga iskam sa pamahalaan.

Mga partner in crime, ika nga, pero madaling idispatsa kung nagkakaloko-loko na ang lahat.

Sila ang mga gamit na gamit sa suhulan at sulsol sa mga kalokohang ginagawa ng mga nasa makapangyarihan, kasama na ang paninira sa iba.

Kung kinakailangan ang consultant, dapat pana-panahon lang.

Dahil mga eksperto ang tawag sa mga ito kinokontrata lamang sila para sa isang programa o proyekto.

Pero ang mga consultant ginagawang permanente na sahuran.

PERWISYO

Nagiging perwisyo ang walang habas na pag-empleyo ng mga consultant sa pamahalalan dahil inuubos nito ang salaping bayan.

Ang mga consultant ay milyones ang kinikita sa pamahalaan kung grupo o isang kompanya ang mga ito at milyones o bilyones ang halagang pinag-uusapan.

Karaniwan namang may sahod na P30,000 ang pinakamaliit na consultant samantalang sumasahod ng hanggang P200,000-P300,000 ang hi-class na consultant.

Eh, ilan ang mga consultant na permanenteng sumasahod sa pamahalaan na pawang kuwestiyunable ang dahilan?

STOP NA

Nais ngayon ng Pangulo na ma-stop na ang maanomalyang paggamit ng mga consultant.

Sabi niya, ang daming marurunong sa gobyerno. Ngunit kung kinakailangan talaga ang consultant mula sa labas ng gobyerno, kontrolin at bigyan ang mga ito ng hindi labis-labis na pabor o consultancy fee.

Pero nananatili ang babala ni Pang. Digong na may mga consultant talaga na ginagawang manggagatas sa pamahalaan at ginagamit para sa korapsyon.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>