Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NINGAS-COGON SA BACLARAN

$
0
0

HINDI pa man Kapaskuhan ay masayang-masaya na ang vendors sa Baclaran sa gilid ng simbahan ng Ina ng Laging Saklolo sapagkat walang sumisita sa kanila kahit nasa gitna na halos ng kalsada sila nakapuwesto.

Ilang buwan na ang nakararaan, nilinis ng pamahalaang lungsod ng Parañaque at Metropolitan Manila Development Authority ang kalye patungo sa simbahan para maging maluwag ang daanan at hindi maging ma-traffic.

Subalit ilang panahon lamang ay balik na naman sa rati ang kapal at dami ng mga magtitinda sa nasabing lugar kung kaya naman inaabot ng ilang oras bago makapasok at makalabas ang mga sasakyan na nagtutungo sa simbahan.

Hindi naman tutol ang PAKUROT na makapagtinda ang maraming vendors mula sa iba’t ibang lugar sapagkat ito ang kanilang kinukuhanan ng kabuhayan subalit ang maging istorbo sa marami ay hindi na maganda.

Hindi ba mabibigyan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ng isang partikular na lugar na pagtitindahan ang vendors?

Kamakalawa ng gabi, halos isang linya na lang ng daanan ang nailaan sa mga sasakyan at ang magkabilang tabi ay pawang mga magtitinda na ang umookupa.

Ang ilang minutong pagdaan sana ng mga sasakyan patungong simbahan ay inaabot ng mahigit isang oras.

Ayon sa nakabantay na tauhan ng MMDA, wala raw silang karapatan na paalisin ang mga nagtitinda sapagkat ang mismong taga-Parañaque City Hall ang nagbigay karapatan sa mga nagtitinda na okupahin ang kalsada.

Siyempre ramdam na ng inyong lingkod na may kapalit siyempre ang pagpuwesto ng mga nagtitinda sa kalsada.

Magkano naman kaya ang kabahagi ng mga taga-city hall ng Parañaque? Tiyak na itatanggi ito ng mga nakikinabang dahil baka nga naman hindi ito alam ng kanilang alkalde na si Mayor Edwin Olivarez.

Naku, Mayor Olivarez, pakitingnan mo naman kung bakit ilang buwan pa bago ang Kapaskuhan ay tila masayang-masaya na ang mga vendor at kolektor ng pakinabang kaya ang mga kalye sa iyong nasasakupan ay nagsisikip.

O, huwag naman ninyong ituro na pati ang simbahan ay nakikinabang sa koleksyon sa vendors sa Baclaran.

Huwag naman at huwag na huwag kayong magturo para lang maligtas kayo sa batikos ng mamamayan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>