Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI JPE, SI MARCOS AT SI PRRD

$
0
0

SA tala ng kasaysayan ng bansa, noong Dekada 1970, sinabing tinahi lamang daw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile (JPE) ang kondisyon para maideklara ni dating pangulo Ferdinand E. Marcos ang batas militar o martial law.

45 na taon na ngayon ang kuwento ng martial law pero malakas pa rin ito na nakakapit sa isip ng ilang tao. Sila daw ang biktima nina JPE at Marcos noon.

Muli, nitong September 21, nagkaroon ng rally laban sa martial law ni Marcos bilang pag-alala at kasabay ang pagkondena sa “napipinto” raw na martial law declaration ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE (PRRD)?

Mula mismo kay JPE, maliit lang ang problema noon ni Marcos kaysa ngayon sa kamay ni Pangulong Duterte.

Noon kay Marcos, ang kalaban ng estado ay ang mga “matitigas daw na ulo” na pulitiko at ang Communist Party of the Philippines at ang armadong grupo nito na New People’s Army.

Sumulpot din noon ang Moro National Liberation Front na nagmula sa Muslim Independent Movement sa liderato ni MNLF chairman NUR MISUARI. Sa sukat ni JPE, ‘yun lang.

Ngayon, marami at marahas ang mga kalaban ng estado sa liderato ni PRRD. Nandiyan pa rin ang CPP-NDF-NPA, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, Abu Sayyaf Group, Maute Group na kapwa nanumpa sa pandaigdigang teroristang grupo ng Islamic State, mga armadong grupo at matindi sa lahat, ang mga illegal druglords, drug dealers, drug pushers, adik at mga users mismo!

Tama si dating senador JP Enrile. Kaunti lang noon at napakarami ngayon. Ang nararanasan na hirap ng mga kababayan natin sa Marawi City ay hindi maliit na bagay. Nawasak ang buong siyudad na hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang labanan.

Mahigit kalahating milyon ang biktima at naging bakwit!

Sa lahat, mas matindi ang epekto ng iligal na droga dahil tinutuyo nito ang utak ng gumagamit. Ginagawa ng shabu na inutil ang tao. Nagiging kriminal sa ayaw at sa gusto basta makagamit lang ng shabu.

Marami ng balita ang krimen. Lahat halos ng kriminal na gumawa ng panghoholdap, pagnanakaw, pagpatay at panggagahasa kahit sa bagong silang ay umamin na lango sila sa usok dala ng shabu!

Matindi pa rito, halos lahat ng sektor ay biktima na rin kasama na ang mga sundalo at pulis! Punyeta, ‘di ba?

Kaya kung sakali man na ideklara ni Pang. RODY ang martial law, wala nga ito kumpara noong panahon ni Marcos. Kailangan matapos ang panlipunang problema ngayon lalo na sa iligal na droga.

Hindi tayo natatakot sa martial law. Mas natatakot tayo sa malademonyong epekto ng shabu!!! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>