Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAMAMAYAN MAGBABAYAD SA UTANG NG GORDON

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredKUMPIRMADO! Mahigit  P4.6B ang utang ng Gordon Administration sa kuryente na ang magbabayad ay ang mamamayang Olongapo.

Nakapaloob ito sa kasunduan ng Lungsod ng Olongapo sa pamamagitan ni Mayor Bong Gordon at PS-ALM (Power Sector Assets & Liabilities Management), ang ahensiya ng pambansang pamahalaan sa pagsasapribado ng NAPOCOR, kaugnay ng pagbebenta ng PUD (Public Utilities Department) na distributor ng kuryenteng pag-aari ng lungsod, sa CEPALCO (Cagayan Electric Power & Light Co.).

Ito ang Totoo: malinaw na nakasaad sa kasunduan na ang P4.6B na utang ng Gordon administration ay babayaran mula sa Real Property Tax (RP) at Internal Revenue Allotment (IRA) ng mamamayang Olongapo, sa panahong pagkakasunduan hanggang bawat sentimo, kasama pa ang tubo, ay bayad na.

Sa madaling salita, taumbayan ang magbabayad sa hindi maipaliwanag na utang ng administrasyon ni Bong Gordon Mula 2004 hanggang 2012.

Ang halagang P500.5 M sa P610M na pinagbentahan ng PUD ay napunta lang bilang panapal sa gamit na kuryente ng lungsod mula Enero hanggang Mayo ng 2013, P60M para sa bahagi ng utang ng Gordon administration sa SMEC at  P50M ay laan para sa benepisyo ng mga empleyado ng PUD na mawawalan ng trabaho.

Ito ang Totoo: gumanda o hindi ang serbisyo ng kuryente sa Olongapo matapos masapribado ang PUD, hindi pa rin makatarungan na ang utang ng Gordon administration na P4.6B ay mamamayan ng Olongapo ang magbabayad.

Magagamit sana ang P4.6B sa napakaraming daan, tulay, ospital, gamot, gamit sa peace & order at iba pang serbisyo para sa mamamayan ng Olongapo kung hindi lang naging utang ng Gordon administration.

Kaya dapat ipagpatuloy ang pagbusisi sa isyu ng P4.-6B utang ng Gordon administration.

Dapat ring busisiin ang mga bumubuo ng subsidiary ng CEPALCO na OEDC (Olongapo Electricity Distribution Company) na magpapatakbo sa pamamahagi ng kuryente sa Olongapo dahil may umaalingasaw na stockholders sa OEDC itong sina Bong Gordon.

Anak ng bakla! Hindi na maipaliwanag kung saan napunta ang P4.6B tapos na-ging may-ari pa! Kung hindi ka nga naman mapapamura! Ito ang Totoo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>