Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANYARE, SEC. ART TUGADE?

$
0
0

DAPAT siguro bigyan na ng ultimatum si Transportation Secretary Art Tugade para magbalik ang katinuan matapos nitong payagan na maglaan ang gobyerno ng mahigit isang bilyong piso upang magawa ang common station sa pagitan ng LRT 1, MRT 3 at ng LRT 7.

Mayabang ang mga salitang binitiwan ni Tugade sa sambayanang Filipino na walang gagastusin ang pamahalaan kahit isang kusing sa pagpapatayo ng common station na inupuan ng nakalipas na Aquino administration sa buong anim na taon nitong termino.

Buong yabang na ipinagmalaki ni Tugade na hindi niya pahihintulutan na magamit pa ang buwis ng sambayanan sa common station lamang.

Ito raw ay ipasasagot niya sa mga pribadong may-ari ng mga mall na makikinabang.

Ang SM ay nag-deposit na ng Php 200-milyon para sa pagpapatayo nito habang ang Ayala naman na siyang may-ari ng Trinoma ay nagsabing sagot nilang lahat ang gastusin na naaayon sa disenyong napagkasunduan.

Anyare, Sec. Tugade? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin matapos mong sabihin na kailangang gobyerno na ang gagastos ng common station?

Sino na namang bright boys ang nasa likuran ng mungkahing ito? Magkano ang dahilan, Tugade?

Nakatakda na raw magkaroon ng ground breaking bago matapos ang buwang kasalukuyan at nang sa ganoon ay mapasimulan na ang common station.

Magkano naman kaya ang kikitain ng bright boys?

Dapat na harangin ito ni Pangulong Digong Duterte dahilan sa malaking sampal ito sa kanyang malinis na gobyerno. Sabi nga ng Pangulong Duterte, “corruption must stop.”

+++++++

Labis na nakababahala ang climate change sa buong mundo na sumira ng maraming ari-arian at pinagbuwisan ng maraming buhay sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ito’y sa kadahilang lumalawak ang gawak ng ozone layer na siyang sumisira sa kalikasan at nagdudulot ito ng grabeng delubyo sa sangkatauhan.

Panahon na upang mahinto ang malawakang pagto-troso sa bansa isa sa malaking dahilan ng pagbaha ay ang malaking kakulangan ng mga punongkahoy na pipigil sana sa mga pagbaha mula sa kabundukan.

Kung tutuusin, may sapat tayong batas para kontrolin ang illegal at legal logging. Sa pamamaitan lamang ng pagtatanim ng maraming puno na siyang pipigil sa pagkakalbo ng kabundukan. Political will lang ang kailangan.

++++++

1 Peter 1:31 Let us give thanks to God and father of our Lord Jesus Christ because of his great mercy who gave us new life by raising Jesus Christ from death. WATERING HOLE/SAMMY MARTIN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>