Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKAKAIRITANG SINDIKATO AT SEKTA SA JAPAN!

$
0
0

NAKAKAHIYA na ang lahi natin sa ibang bansa pero kakaiba ang nangyayari sa Japan. Kakaibang uri ng sindikato na maituturing dahil sa isang sekta ng relihiyon at “sindikato ng human trafficking” sa Japan.

Kung sabagay, ‘di lang sa bansang iyon gumagalaw ang sekta at sindikato. Pero sa Japan na haligi ng disiplina ng mamamayang Hapones, hindi basta inilalabas ang galit hanggang hindi napatutunayan.

Sa ilang himpilan ng telebisyon, paulit-ulit na inilalabas ang “panghihingi” ng donasyon daw para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na tumama noon sa Leyte halos 5 taon na ang nakararaan!
Nakakahiya dahil alam sa buong mundo kung paano bumuhos ang tulong sa mga biktima ng unos!

Ang sindikato naman ng “human trafficking” ay tila walang iniilagan sa mga awtoridad. Kapalit ng P200 libo para makakuha at makapasok sa Japan, nagagawa nila nang tila buong laya ang kanilang trabahong kriminal.

Ang masama, ‘yung mga “niloko” at hiningan ng tulong na mga kapwa Filipino na kasal sa Hapones ay biktima na din ng kanilang mapanirang gawain sa Japan. Mukhang may kasabwat din sila roon dahil ilan ang nabigyan “daw” ng “Refugee Visa?”

Hindi natin alam kung alam ito ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas at nagbubulagbulagan lang sila. Ganyan din ang tanong natin sa POLO o Labor Attache Office. Dapat ay magsikilos kayo at ipahuli ninyo sa Japan Police o Immigration Office ang mga iyan!

Ilang beses na nating ipinaabot ito kay Labor Secretary SILVESTRE “BEBOT” BELLO at kay DFA Asec. at Spokesman Robspierre Bolivar at hinihintay natin ang kanilang opisyal na pag-alam mula sa embahada natin. Kailan pa kaya?

Ayaw nating maniwala na walang alam ang embahada at ang Labor Office sa mga nangyayari roon. Matagal tayong nanirahan sa Japan noon. Sa panahong iyon ay maluwag pa ang Japan sa mga TNT o Bilog.
Pero ngayon, hindi na lang makukulong ang sinomang BILOG o TNT kundi magbabayad pa ng malaking halaga.

This we challenge our Philippine Embassy officials in Japan to move and work out to stop the religious sect and the human traffickers at the soonest possible time. Stop them at once or better resign your posts if you can’t. That’s the best move for your being ineffective! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>