Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NARCO-POLITICIANS HUWAG LUBAYAN

$
0
0

MAS paigtingin dapat ng Philippine National Police at PDEA ang kampanya laban sa mga sindikato sa iligal na droga na diumano’y nagpopondo sa mga grupo ng terorista, partikular na sa Mindanao.

Ngayong administrasyon lamang naibulgar nang husto ang malawak na sabwatan ng mga politiko, tulad ng local officials na mga mayor, barangay captain at iba pa sa illegal drugs trafficking.

Nitong nakaraang linggo ay isiniwalat ni Pangulong Duterte ang updated na “drugs matrix” na nagsasaad ng network ng mga politikong druglord at ugnayan nila sa mga terorista.

Hindi biro ang pagkakasangkot nitong mga narco-politicians sa terorista na alyado sa Islamic State o ISIS.

Bago pa naghasik ng lagim ang Maute Group at mga kasama nitong Abu Sayyaf Group sa Marawi City, dati nang sangkot sa kriminalidad ang mga ito tulad ng kidnapping for ransom at shabu trafficking.

Lalong pag-ibayuhin dapat ang mga police raid sa mga drug den ng mga tukoy na narco-politician sa buong kapuluan.

Makaraan ang maraming dekada, ngayon lamang nagkaroon ng seryoso at puspusang pagtugis sa mga mafia ng droga na sumisira sa milyon-milyong kabataan pati na mga may edad.

Hindi kaila kaninoman ang salot na idinudulot ng adiksyon sa droga na walang pinipili, bata man o matanda, mahirap man o mayaman.

Huwag lubayan ‘yang mga hayup na narco-politician na supporter ng mga terorista!!!

***
Matutunghayan po ang inyong lingcod 12noon-2pm sa Radyo Pilipinas, 738AM band at 6pm-7pm sa PTV4 News, Lunes-Biyernes. Mapapanood ang mga naturang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Maraming salamat sa inyong lahat. DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>