KAYA pala hindi matinag-tinag ang prostitution sa mga spa health center sa Biñan at Calamba, Laguna ay may isang dating police colonel na ipinansasangga ng mga may hawak ng mga nasabing spa health center.
Ang police colonel na ito na dating naka-assign sa Region 4-A na may inisyal na letter B as in Bamba ang palaging ipinanangga ng Aquarius Health Spa Center sa Brgy. Halang, Calamba at Grand Bay Health Spa Center sa Brgy. Poblacion, Biñan sa tuwing may mga pulis na bumubulabog dito.
Kaya itong si Supt. B na malapit nang magretiro, hanggang ngayon ay hindi mabigyan-bigyan ng magandang puwesto sa Region dahil sa basang-basa na ang pangalan niya sa kagagamit ng mga may-ari ng nasabing prostitution den.
Mantakin ninyo, hanggang ngayon, maging ang Inter-Agency Task Force Against Child Labor, Illegal Recruitment and Human Trafficking ng National Bureau of Investigation (NBI) ay nagbibingi-bingihin sa mga ginagawang kababuyan sa nasabing spa health centers.
Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang aksyon para matigil na ang pwersahang pagpapakasta (sex) ni Landong Bulol sa mga menor de edad na mga kababaihan sa mga kostumer ng nasabing bahay-kaplugan.
Ang matindi pa rito, katabi lang ng Aquarius Health Spa Center ang barangay hall ni Kapitan Aries pero nakapagtatakang tila walang kaalam-alam si kapitan sa mga nangyayaring kababuyan sa kanyang kapaligiran.
Hindi ko sinasabi na binibigyan ng Aquarius Health Spa Center si kapitan ng lingguhang pampalubag-loob kaya wala siyang nakikita at naririnig sa mga nangyayaring kababalaghan sa nasasakupang barangay.
ABANGAN pa ninyo…
BOOKIES EMPEROR SA LIPA CITY MATIBAY
Isang Ronald Biscano at isang Macoy Recto ang sinasabing may pinakamalaki ngayon na bookies ng Small Town Lottery (STL) sa Lipa City pero hindi siya hinuhuli ng mga kapulisan sa kabila ng mahigpit ang kampanya laban dito.
Bakit?
Kasi baka may patong sina Region 4-A RD Gen. Ma OA Aplasca kaya hindi matibag-tibag ang bookies ng dalawang kumag na ito.
oOo
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
