Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DELIKADO SI DUTERTE KAY REP. KARLO NOGRALES

$
0
0

PAMANGKIN ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Representative Karlo Alexei Nograles dahil magpinsan ang Pangulo at nanay ng mambabatas.

Subalit hindi nangangahulugang magkasundo at magkadikit sa pulitika ang mga Duterte at mga Nograles.

Napakahaba ng away ng dalawang pamilya dahil sa lalim at laki ng galit ng tatay ni Nograles na si dating Speaker Prospero Nograles kay Duterte.

Tatlong beses kasi siyang natalo ni Duterte sa pagka-alkalde ng Davao City.

Kahit tatlong beses na tinalo at inilampaso sa eleksyon si Nograles, hindi nagustuhan ni ‘Mayor’ Duterte na kalabanin siya ng sarili niyang kamag-anak sa pampulitikang kapangyarihan.

Sa palagay ko, ang galit naman ni Nograles ay nakasubsob sa paulit-ulit na pagkatalo niya kay Duterte dahil hindi niya matanggap na matalo siya ni Duterte, gayong inabot niya ang pagiging ikaapat na pinakamakapangyarihang opis-yal sa pamahalaan, samantalang si Duterte ay alkalde at kongresista pa lamang noon ang nararating.

Nagkaayos ang dalawang pamilya nang suportahan ng matandang Nograles ang kandidatura ni Duterte sa pagkapangulo.

Nagbigay naman ng biyaya sa mga Nograles ang ginawa ng dating pinuno ng Kamara.

Ang anak niyang si Karlo ay naging pinuno ng Appropriations Committee, isang makapangyarihang komite, kahit hindi siya kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino – Laban ng Bayan.

Naging kasapi lang si Rep. Karlo Nograles ng PDP – Laban nitong Setyembre – sa mismong selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Ito na ang bahaging delikado at nakatatakot kay Rep. Karlo Nograles dahil posibleng hindi rin siya magtagal sa PDP – Laban, tulad ng mga ginawa sa nakalipas na panahon.

Si Nograles ay dating bahagi ng kuwalisyong Lakas-Kampi-CMD, ang naghaharing partido-pulitikal noong Pangulo si Gloria Macapagal Arroyo.

Idolo ni Nograles si Arroyo noon dahil siya ang Pangulo.

Pero, bago matapos ang termino ni Arroyo, kumalas si Nograles sa Lakas-Kampi-CMD at isa sa mga nanguna sa pagbubuo ng United Alliance Party na sumuporta sa kandidatura ni Senador Benigno Cojuangco Aquino III sa pagka-Pangulo ng bansa.

Nang maging pangulo si Aquino, naging sagad-saring dilawan si Nograles kahit hindi siya kasapi ng Liberal Party.

Walang dudang si Aquino ang idolo ni Karlo mula 2009 hanggang 2016.

Hindi pa man natatapos ang termino ni Aquino, inayawan na ni Nograles ang pangkating dilawan, sapagkat hindi kursunada ng mga Nograles si Mar Roxas na maging pangulo ng Pilipinas.

Si Duterte na matalik na kaaway ng mga Nograles sa pulitika ay siya na ngayong idolo ni Rep. Karlo Nograles.

Sa madaling salita, may masamang rekord si Nograles sa pagsapi sa partido-pulitikal at pagkampi sa nakaupong pangulo.

Isa si Nograles na patatakbuhin ng PDP – Laban sa pagkasenador para sa eleksyong 2019.

Kung sakaling matuloy at matsambahang manalo sa Senado ay uupo si Nograles hanggang 2025, samantalang matatapos ang termino ni Duterte sa Hunyo 30, 2022.

Ang nakaaalarma rito ay baka layasan ni Nograles ang PDP – Laban at iwanan si Duterte.

Nasabi ko ito, sapagkat makapal ang ebidensya sa pagiging ganito ni Karlo Nograles.

Ang tanong: “Dapat bang patakbuhin si Rep. Karlo Alexei Nograles sa pagkasenador sa ilalim ng PDP – Laban?”

Ang isa pang tanong: “Dapat bang pagkatiwalaan ni Pangulong Duterte ang kanyang pa-mangking si Karlo Alexei Nograles?”

MAGTANIM PARA SA IKAGAGANDA NG LUNGSOD

ISA sa mga proyekto ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa Lungsod ng Caloocan ay ang pagtatanim ng fire tree.

Ang tudla ni Malapitan ay 20,000 fire tree ang maitanim sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Kapag nagsilakihan at namulaklak ang mga fire tree ay tiyak na makulay at maganda ang kapaligiran ng Caloocan, sapagkat mabulaklak ang fire tree.

Hangad ni Malapitan na maging maganda, malinis at kaaya-aya ang Caloocan.

===
Problema at hinaing n’yo, itawag, o i-text sa: 09985650271. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>