Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMANG PANUNTUNAN SA PASUWELDO PARA SA NOBYEMBRE 30, ARAW NI BONIFACIO

$
0
0

MULING pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer sa pribadong sektor na sundin ang tamang panuntunan sa pasuweldo para sa Nobyembre 30, Araw ni Bonifacio, na isang regular na holiday.

Sa inilabas na Labor Advisory No. 10, series of 2017 bilang pagtalima sa Proclamation No. 269 ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang regular holiday ang Nobyembre 30 bilang pag-alala sa kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio.

Kasunod nito, itinatakda ng DOLE na ipatupad ng mga employer ang mga sumusunod na panuntunan sa pasahod para sa Nobyembre 30:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%];

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho ng lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho);

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang daily rate at 200 porsiyento ng kanyang arawang sweldo [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] +
[30% (Arawang suweldo x 200%)];

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na trinabaho).

Para sa karagdagang impormasyon para sa mga panuntunan sa pasahod tuwing holiday, maaaring tumawag sa 24/7 DOLE Hotline 1349. HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.