Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SSS, NAGTALA NG P175-BILYONG KITA MULA ENERO HANGGANG NOBYEMBRE 2017

$
0
0

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) noong ika-8 ng Enero na ang kita nitong mula Enero hanggang katapusan ng Nobyembre 2017 ay umabot ng halos P175-bilyon dahil sa mas mataas na koleksyon ng kontribusyon ng miyembro at investment at iba pang pinagkakakitaan.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc ang kabuuang kita ng pension fund ay naitala sa P174.94-bilyon para sa buwan ng Enero hanggang Nobyembre 2017, mas mataas ng 9.3 porsyento o P14.92 bilyon mula sa P160.02-bilyon sa parehong panahon noong 2016.

“Ang paglaki ng koleksyon sa kontribusyon ay dahil sa pagsisikap ng kasalukuyang administrasyon ng Social Security Commission kasama ang mga empleyado ng SSS na siyang nakakahalubilo araw-araw ng mga employers, empleyado at mga miyembro,” sabi ni Dooc.

Ang kontribusyon ng miyembro na 82.5 porsyento ng kabuuang kita ay tumaas hanggang P144.36-bilyon nitong katapusan ng Nobyembre 2017 mula sa P131.28-bilyon noong 2016.

Ang investment at iba pang kita mula Enero hanggang katapusan ng Nobyembre 2017 ay tumaas hanggang P30.58-bilyon mula sa dating P28.74-bilyon ng nakaraang taon. Ito ay dahil sa kita mula sa government securities, equities at salary loans na nagkakahalaga ng P11.04-bilyon, P8.15-bilyon at P7.61-bilyon.

“Ang kabuuang investment na kumakatawan ng 92.6 porsyento ng kabuuang ari-arian ng agensya ay tumaas ng P16.68-bilyon dahil sa karagdagang placement sa government bonds, bagong salary loan release kabilang ang restructured member loan accounts at ang reclassification ng mga real estate properties,” paliwanag ni Dooc.

Samantala, nagbayad ang SSS ng higit P157.39-bilyon sa halos 35 milyong miyembro nito sa pamamagitan ng mga benepisyo mula Enero hanggang Nobyembre 2017.

Sinabi ni Dooc na ang benepisyo ng mga miyembro at pensyonado ay tumaas ng 27.8 posyento o halagang P157.39 bilyon hanggang katapusan ng Nobyembre 2017 mula sa P123.17-bilyon na naitala sa parehong panahon sa nakalipas na taon.

“Ang benepisyong aming ibinigay ay mas mataas dahil sa pagbibigay ng karagdagang P1,000 pensyon na nagkakahala ng P30.85-bilyon mula Enero hanggang Disyembre 2017,” sabi ni Dooc. HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>