Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY SSS PROTECTION KAHIT NAKAKULONG ANG PRESONG NAGTATRABAHO

$
0
0

hilda ongPINALAWAK ng Social Security System (SSS) ang pag-abot sa kanyang microsavings scheme na tinatawag na “AlkanSSSya” ito ay upang isama ang mga preso o jail inmates na nagtatrabaho at kumikita sa pamamagitan ng paggawa ng mga handicraft habang sila ay nakakulong sa correctional facility.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., ang unang batch ng 80 babaeng inmate ay makikinabang mula sa AlkanSSSya  unit  na inilunsad ng SSS sa loob ng Bureau of Jail Management and Pene-logy (BJMP) Quezon City Female Dormitory noong Pebrero 26, 2013.

“Napatunayan ng inmates na naturan na sila ay produktibo at kapaki-pakinabang pa rin sa kabila ng kanilang kalagayan na nakakulong. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang paggawa ng mga handicraft tulad na lamang ng bags, rags at iba pang mga bagay. Dahil na rin sa AlkanSSSya program sila ay makapag-iipon ng pera kahit sila ay nasa loob ng kulu-ngan gayundin magkakaroon sila ng proteksyon dahil sa SSS para sa kanilang hinaharap”.

Ang AlkanSSSya agreement ay pinirmahan nina SSS Assistant Vice President for NCR Central Division Alberto Alburo, SSS Diliman Branch Officer–n-charge Leonora Nuque at Quezon City female Dormitory OIC J/Clnsp. Elena Rocamora.

Maliban sa mga inmate na bagong kaanib ng SSS, ang mga maaaring maging kaanib  pa rin ng AlkanSSSya ay ang mga nahinto sa kanilang pag-huhulog sa SSS dahil na rin sa kanilang pagkakakulong sa nasabing pasilidad. Sa kasalukuyan mayroong 500 female inmates na may nakabimbing kaso ang ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa Quezon City Female Dormitory na potensiyal na maaaring maging kaanib ng AlkanSSSya program.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>