Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

112TH FOUNDING ANNIVERSARY NG LUNGSOD NG NAVOTAS

$
0
0

PINANGUNAHAN ng magkapatid na sina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang isinagawang Grand Parade kamakailan bilang pagtatapos ng higit isang linggong pagdiriwang ng ika-112th Founding Anniversary ng lungsod.

Ang programa ay may temang “Sama-sama tayo sa paglikha at pagsulong ng pag-unlad ng bawat pamilyang Navoteño.”

Hindi napigilan ang libu-libong mga Navoteño na sumaksi at nakiisa sa parada upang masilayan lamang sa personal ang kanilang iniidulong mga sikat na artistang kasamang pumarada kabilang si 2016 Miss International Kaylie Versoza na kasama ni Mayor Tiangco sa kanyang float habang ang artistang si Sanya Lopez naman ng GMA-7 ang kasama ni Cong. Toby sa kanyang float na umikot sa buong lungsod.

Binuksan ang pagdiriwang sa Pangisdaan Festival noong Enero 7 sa pamamagitan ng motorcade, pre-pagent Mutya ng Navotas 2018, boodle fight at Kalye Fiesta.

Marami pang mga aktibidad ang isinagawa kabilang ang Pamilya ng Navoteño Fun Day, awarding ng Top 20 Taxpayers (Business and Realty), 2nd Navotas Invitational Motor Show, coronation night ng Mutya ng Navotas at ang grand fireworks display.

Taon-taon ay pinaghahandaan ng pamahalaang lungsod ang naturang okasyon upang lubusang mabigyan ng kasiyahan ang mga residente at maipamalas na rin ang kanilang mga angking talento.

‘BAHAY-PAG-ASA’ NG LUNGSOD

Maraming kabataan na sinasabing naliligaw ng kanilang landas at nasasangkot sa mga krimen ang maaring matulungan ng bagong tayong “Bahay-Pag-Asa” na kabilang sa mga pangunahing proyekto ng Navotas City.

Kasabay ng pagdiriwang ng Navotas Day, isinagawa ang pagpapasinaya at ribbon-cutting ng Bahay Pag-Asa na matatagpuan sa Phase 2, Area 1 ng Barangay NBBS sa pangungun ni Mayor Tiangco.

Naging saksi rito ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod sa pamumuno ni Vice Mayor Clint Geronimo, Ms. Jennifer Sevilla, mga kawani ng Public Information office sa pangunguna ni Ms. Irish Cubillan, Liga ng mga Barangay president Coun. Ricky Gino-Gino at City Administrator Jon Cruz.

Sinabi Mayor Tiangco sa mga kabataang naliligaw ang landas na kalimutan ang nakaraan at muling bumangon para sa kanilang maliwanag na kinabukasan at bukas ang lahat sa pagbabago pairalin lamang ang kabutihang asal, disiplina at paniniwala sa Panginoon. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>