Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEXUAL HARASSMENT SA WORK PLACE AT PUBLIC PLACES

$
0
0

NAG-VIRAL ang video kamakailan ukol sa isang pasahero ng taxi ay na minolestiya umano ng isang taxi driver. Nakalulungkot na marami talaga ng sexual harassment case sa mga pampublikong sasakyan tulad na nga ng taxi.

Ang ganitong reports ay kaagad namang iniimbestigahan ng LTFRB at kapag may napatunayan na krimen ay pinarurusahan kung kinakailangan ang operator ng driver at ang recommendation agad ay kasuhan ang sangkot na driver.

Ang mandato kasi ng LTFRB ay kailangan siguraduhin na ligtas ang mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan lalo na ang mga kababaihan.

Pero hindi lang sa mga pampublikong sasakyan maaari magkaroon ng sexual harassment. Kahit sa mga pampublikong lugar at mga opisina tulad ng mga ahensya ng pamahalaan ay pwede magkaroon ng sexual harassment.

Kaya nga sa Quezon City na kinatatayuan ng LTFRB Central Office , nagpasa at pinagtibay ang isang anti-sexual harassment ordinance.
At ano ang ipinagbabawal dito? Cursing o catcalling, repeatedly asking the subject for a date or her contact number or taunting a woman with constant talk about sex which tend to ridicule or humiliate or embarrass a woman is punishable by 1000 to 5000 pesos fine or a jail term. Ang iba pang pinarurusahan ng ordinansa ay unnecessary touching, pinching, or brushing against the subject’s body, public masturbation or lascivious exhibition directed towards a woman.

May batas din na REPUBLIC ACT 7877 NA TUMUTUKOY SA SEXUAL HARASSMENT IN THE WORKPLACE OR EMPLOYMENT. Kaya kung sa isang opisina, pribado man o pampubliko, naganap ang sexual harassment, sa lungsod ng Quezon ay pwedeng maharap ang salarin sa patong-patong na asunto. Ito’y para protektahan ang kababaihan sa mga asal-bastos na mga tao at pangalagaan ang dignidad ng isang babae.

Sa ilang kaso na hawak ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, may inihabla na kami na mga bastos na driver na kinasuhan ng kanilang pasahero. Kaya handa po ang mga abogado ng LCSP na umalalay sa nga kababaihang gustong magreklamo tungkol sa sexual harassment in the work place or public places. At mula sa amin sa LCSP, isang ligtas na Valentine’s Day po sa inyong lahat. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>