NANGUNA ang Quezon City Police District sa pamumuno ni Gen. Guillermo Eleazar sa trust rating na isinagawa ng National Police Commission mula sa 5 district ng National Capital Region Office.
Aba’y paano ba namang hindi mangunguna sa survey ang QCPD, eh, sa pag-upo pa lang ng mamang heneral dito ay nakaplantilya na pala isa-isa ang mga dapat niyang baguhin sa nasabing distrito.
Unang pinagtuunan ni Gen. Eleazar ng pansin ang “internal cleansing” sa ‘scalawag cops’ na pawang sangkot sa illegal drugs, pangongotong o extortion, immoral acts o hindi makataong gawain, robbery at iba pa. Mahigit sa 200 pulis ang nasibak na niya.
Biruin ninyo, noong inaplay naman ni Gen. Eleazar ang mabisang formula ng estilo nito sa pag-implementa sa anti-drugs campaign sa Quezon City, 19 kaagad na barangay ang ngayon ay maituturing nang “Drug-Free Barangay ” sa lahat ng mga lungsod sa Metro Manila.
Hindi pa kasama riyan ang pagpapatanggal ni heneral ng P150 mula sa presyong P250 para sa police clearance ng mga residente ng Quezon City. Naging malaking kabawasan sa araw-araw na gastusin ng mga residente ito.
Kaya ba ninyo ‘yun? Eh, puro kasi kayo bulakbol. He..he…he!
Bumaba rin ng 47% ang crime rate kung ikukumpara natin sa crime rate sa ilalim ng dating namuno rito. Dahil dito, naging mapanatag na ang mga tao rito. Naging huwaran ito sa mata ng Filipino.
Ang “the best among the best” pa na hindi makalilimutang ginawa ng nasabing heneral ay ‘yung successful launch ng healing process sa ‘Drug War’ noong Christmas Party Day. Nagkasama ang mga pulis ng QCPD at ng PNP na kahalubilo ang pamilya ng mga sumuko at napatay sa drug war.
O meron ba kayo niyan? Wala…wala…walaaaaaaaa!
NAMAMAYAGPAG PA RIN KAYA TULOY ANG TIMBRE
Hanggang ngayon pa rin pala ay patuloy ang operasyon ng mga makina o VK ni LOTLOT sa Bagong Silang, Caloocan. Hindi hinuhuli ni Bagong Silang PCP Commander Capt. Raymond Nicolas dahil sa nakatimbre sa kanya itong si Lotlot ng Bagong Silang. Totoo ba ito, kapitan?
Kaya hanggang nagyon ay pinamumugaran pa rin ang mga makina o vk ni LOTLOT ng mga durugista at tulak ng tobats na magdamagang nagsusugal.
oOo
Anomang puna o reklamo. i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA