Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SUPORTA KAY BONG GO, SUPORTA RIN KAY DIGONG

$
0
0

KITANG-KITA na dumagsa ang tao sa compound at mga kalyeng malapit sa Senado nitong nakalipas na February 19, Lunes, bilang suporta sa taong pinaka-pinagkakatiwalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Malinaw kasi na ang pag-atakeng ginagawa ng oposisyon lalo’t higit si Senador Antonio Trillanes kay Bong Go ay pagyurak din sa administrasyong Duterte.

Maging ang mga opisyal ng pamahalaan, lalo’t higit ang mga miyembro ng Gabinete, ay pumunta rin sa nasabing hearing, isang malinaw na indikasyon na ang laban ni Bong Go ay laban din ng buong administrasyong Duterte at ng mamamayang Pilipino.

Klaro na ang paggiba kay Special Assistant to the President Bong Go ay isang bahagdan o “attempt” ng LP na pilit idawit si Pangulong Digong sa naturang anomalya pero sa halip na sa Duterte admin lumatay ay sa nakalipas na administration pa ito nakasakit.

Tagos din sa pag-aanalisa ng tao, na hilaw ang banat nina Senador Antonio Trillanes at Rissa Hontiveros kay Go dahil malinaw na kapag hinukay pa nila ang “frigate deal” ay lalatay na ito ng husto sa nakalipas na Aquino administration lalo’t higit sa kanilang poon na si Noynoy.

Lumabas din sa pagdinig na tinawag ni Go na “photo finish” deal ang frigate transaction dahil halos isang buwan na lamang ang gobyernong Aquino noong tapusin nila ang pag-apruba rito.

Midnight deal ang frigate deal, ayon pa kay Duterte Youth leader na si Ronald Cardena, dahil malinaw na ito’y mukhang pabaon na lamang ng nakalipas na rehimen.

Gising na ang taumbayan sa mga maruruming kilos ng LP kaya ang sinabi ni Bong Go na nangangarap ang ng Edsa 3 ay isang panaginip na lamang. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>