NASA tamang panahon na upang sipain itong Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng impeachment.
Kaya binabati ko ang House Justice Committee sa paninindigang mayroong probable cause ang impeachment complaint laban kay Sereno sa botong 38-2.
Sapat na ang 18 pagdinig na isinagawa ng committee chaired by Rep. Reynaldo Umali (Oriental Mindoro, 2nd district) batay sa complaint ni Atty. Larry Gadon noon pang August 2016.
Nahaharap si Sereno sa mga kasong violation of the Constitution, graft, betrayal of public trust, at iba pa na aabot sa 27 counts.
Susulong na ang impeachment process sa pagbubuo ng House panel na magtatala ng Articles of Impeachment na pagbabatayan ng House prosecution team laban sa punong-mahistrado ng Korte Suprema sa harap ng Senator-judges.
Mabuti naman at sa pagtitiyaga ng House justice committee ay nagkakaroon na ng linaw ang pag-uusig sa inutil ito na nagsilbing tuta ni Noynoy Aquino.
Inaasahan ko na mas magiging makatarungan at makabuluhan ang impeachment trial na ito kaysa sa lutong-makaw na impeachment trial na dinanas ng yumaong Chief Justice Renato Corona.
Sapat na rin ‘yang pagkakataon na ibinigay kay CJ Sereno para harapin ang naturang impeachment complaint ngunit hindi siya lumitaw sa pagdinig ng House Justice Committee.
Makapal talaga ang mukha kaya wala tayong magagawa kundi tunghayan ang impeachment trial ng buwitreng ito!!!
***
Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapapanood ang din ang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksiyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank). DEADSHOT/ERWIN TULFO