TUWING nasasangkot ang Comelec sa matitinding usapin agad may pakulo si Mang Sixto para mailayo ang isyu.
Gaya noong ibinulgar ni Jerry Yap ang umano’y “pera-pera” nina Comm. Yusop at Tagle, agad gumawa ng alingasngas ang Comelec sa mahigit 40 na party-list.
Nang binanatan ni Korina Sanchez Roxas ang kahina-hinalang transaction ni Chairman Brillantes sa pagbili ng PCOS machines, kaagad na nagpalabas sina Mang Sixto ng kontrobersyal na desisyon sa ilang election protest gaya ng sa Imus City, Cavite.
At nang sunod-sunod na sampalin ng Supreme Court ng mga negatibong desisyon ang Comelec dahil sa kanilang kapalpakan, para makaiwas sa kahihiyan ay paiyak-iyak si Sixto na kesyo lalayas na siya!
Dito naman sa kasong isinampa ni Atty. Harry Roque sa UN ukol sa controversial na source code, may bagong pakulo na naman si Mang Sixto.
Kesyo, nakahanda ang Comelec na pagkalooban ng “legal assistance” ang lahat ng titser na kakasuhan kaugnay sa nalalapit na election.
Narito ang mga punto ko, Mang Sixto, riyan sa pahayag mo: sapat ba ang bilang ng mga abogado ng “legal department” ng Comelec para idepensa ang lahat ng mga titser sa buong bansa na makakasuhan sa election?
May sapat ba na pondo o alokasyon ang Comelec para gastusin ng lawyers o pag-hire ng additional lawyers?
Hindi ba dapat dito ay isang “Memorandum of Agreement” lang ang kailangan with the Public Attorney’s Office para i-prioritize nila ang pagtulong sa magiging election related cases ng mga titser?
Sa pamamagitan nito, walang gastos ang Comelec, hindi pormang umeepal at higit sa lahat walang alingasngas!
Habang nakikisimpatiya tayo at pabor na tulungan ang mga titser na nahaharap sa election related cases dahil sa panggigipit ng mga gagong politiko, hindi kaya magkaroon ng ibang kulay o “signal” para sa ilang titser ang hakbang na ito?
Ibig sabihin, maraming titser ang may likas na tiwaling pag-iisip na gumagawa ng katarantaduhan tuwing halalan.
Ang iba, dahil kamag-anak, may utang na loob o kaya ay bi-nayaran ng ilang politiko para mandaya.
Sa ganitong pahayag ni Mang Sixto, hindi kaya lalakas lalo ang loob ng mga tiwaling titser na mandaya sa halalan?
With all due respect po sa lahat ng matitinong titser!
Mang Sixto, pag-aralan mu-nang mabuti ang bagay na ito bago ka magngangakngak!
