Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALPAK NA MGA BJMP WARDEN IGARAHE NA

$
0
0

NAPAKAHALAGA ng papel na ginagampa­nan ng city jail sa pagbabago ng mga bilanggo.

Kahit nakakulong sa iba’t ibang kri­men, hindi na­ngangahulu­gang ‘tapos’ na ang buhay ng mga ito, lalo na kapag sa city jail na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology, sapagkat hindi pa naman napatutunayang nakagawa ng krimen ang mga nakakulong dito.

Nasa korte pa lamang ang kanilang kaso at linilitis. Kaya, mala­king-malaki pa ang pag-asang mabago ang mga nakakulong sa mga city jail ng BJMP.

Ngunit, huwag na hu­wag nating kalimutan na napakalaki ng papel ng mga warden sa ina­asahang pagbabago ng mga bilanggo. Kaya, kailangan ang bisyon at misyon ng warden ay nakatuntong sa pagbabago ng mga bilanggo.

Ihalimbawa natin si Supt. Ermilito Moral, ang warden ng Quezon Ci­ty Jail. Walang dudang marami nang naga­wang pagbabago si Moral simula nang maging warden siya ng Quezon City Jail.

Bago pa lang si Mo­ral na warden ngunit napaka­rami nang nagawa itong pagbabago na nakabatay sa pagbabagong ha­ngad ng Department of the Interior and Local Government.

Isa rito ang pagbaba­wal ng pagpasok ng iligal na droga sa loob ng city jail. Mahalaga ito dahil nangga­ngahulugang ayaw ni Mo­ral na malulong ang mga bilanggo sa bawal na gamot at mag-asal ‘demonyo’ habang nag-aabang sa desis­yon ng korte sa kani-kanilang mga kaso.

Hindi katulad dati na napakalala ng pagpasok ng iligal na droga sa Quezon City Jail.

Ang binabanggit kong pagbabagong ginawa ni Moral ay alam na alam ni BJMP director Deogracias Tapayan dahil number one city jail ang Quezon City Jail nitong nakalipas na taon.

Hindi katulad ng ibang city jail sa Metro Manila na may matagal nang warden, pero walang pagbabagong nagaganap sa kani-kanilang nasasakupan.

Hindi na ako magbabanggit ng mga pangalan dahil alam ko na kabisadong-kabisado nina Tapayan at Chief Supt. Dennis Rocamora kung sino-sino ang palpak na mga warden na ito. Ang iba sa kanila ay ‘bataan’ ni Tapa­yan, kaya ‘alaga’ niya kahit na ubod nang palpak.

Malaking bilang sa mga warden ng BJMP sa National Capital Region ay nagpayaman na habang nasa puwesto.

Paglobo ng bulsa at pagdami ng pera sa kani-kanilang bank account ang inaa­tupag kaysa pagbabago sa city jail na hawak nila.

Ang dapat gawin nina Tapayan at Rocamora ay ‘igarahe’ na ang mga warden na ito, sapagkat wala naman silang paki­nabang.

Hindi naman sila ma­aasahan ng DILG sa pagsusulong ng pagbabago.

Ibig sabihin ng garahe, italaga na lamang sila sa opisina ni Tapayan para bantayan si Tapa­yan sa lahat ng ginagawa nito.

Sa ganitong paraan, mababantayan ng mga palpak na warden si Tapayan upang hindi gumawa ng masama o ng labag sa batas.

Ito’y dahil sa napakalinaw na direktiba ni DILG Officer-in-Charge Eduar­do Año sa lahat ng opis­yal ng mga ahen­syang nasa ilalim ng DILG na bawal na bawal ang katiwalian at korapsyon.

Sa madaling salita, bawal magnakaw ng pera ng pamahalaan. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES