Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI N’YO MADEDENGGOY SI PANGULONG DIGONG

$
0
0

MULI tayong pinabilib, mga suki, ni Pangulong Duterte.

Pinatunayan niya kasi na totoo siya sa kanyang pa­ngako na aalisin sa posisyon ang sinomang opisyal ng pa­mahalaan na nasasangkot sa katiwalian.

Kamakalawa ay inanunsyo ni Duterte na may sinibak na naman siya sa kanyang gobyerno.

At hindi lang isa, kundi “grupo ng high officials” ang kanyang tinanggal.

Ito ang nagugustuhan natin, mga kababayan, sa ating Presidente.

Hindi siya nangingiming manibak ng opisyal sa pamahalaan, kahit pa kanyang kai­bigan o kumpare.

Aba’y mga malalapit mismo sa Pangulo ang kanyang pinagtatanggal.

Bagama’t hindi niya pina­ngalanan, sinabi ni Duterte na ang mga taong kanyang sinibak sa pwesto ay siya ring mga taong nangumbinsi sa kanya upang tumakbo siya sa pagka-Pangulo.

Sila, mga suki, ang nagsabi sa Pangulo na tumakbo siya noong 2016 presidential elections upang ayusin daw ang bansa at wakasan ang katiwalian.

Ngunit sinabi ng Pangulo, nang iluklok niya ang mga taong ito sa gobyerno bilang “pagtanaw ng utang na loob” sa pangungulit sa kanya na kumandidato sa pagka-Pre­sidente, nabalitaan niya na gumagawa ang mga ito ng kabulastugan sa pwesto.

Kaya bagama’t masakit at nakalulungkot para sa kanya, sinibak niya ang mga ito na “itinuturing niyang kaibigan” at naging bahagi upang si­ya’y maging Presidente ng bansa.

Ito ‘yung patunay na “walang kai-kaibigan at walang kumpa-kumpare” kapag pa­nanamantala na sa pwesto ang pinag-uusapan.

Hindi po siya nagbibiro.

Ipinakita ni Duterte na marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa kaibigan.

Ipinwesto niya sila sa pag-aakalang makatutulong upang maisaayos ang bansa dahil iyon ang ginawang pang-urot nila.

Ngunit nang masilaw sa pera at mamg-abuso sa kaun­ting kapangyarihan, aba’y sibak sila. Buti nga!

Nakahalata sa kanila si Duterte e. Nakatunog na pinaglololoko siya. ‘Yun ang akala nila.

Ang akala ng mga hina­yupak, nakauto na sila ng Pangulo.

Hindi pupuwede kay Duterte na porke sama-sama sila noong eleksyon hanggang sa mapuwesto, magsasama-sama na rin sila sa kalokohan.

Kaya nga magandang babala ito sa mga nagnanais na mapuwesto sa gobyernong Duterte.

Kung nais n’yong maposisyon, magtrabaho kayo nang totoo. Hindi ‘yung gusto lang maposisyon upang mangurakot.

Pero sa totoo lang, iilan lang naman silang mga abusadong nailagay sa pamahalaan. Bilang na bilang sa daliri.

Napakarami pa rin diyan na tunay sa kanilang sinumpaan sa Pangulo at sa Inang Bayan na maglilingkod nang tapat para sa ikabubuti nating mga Filipino.

Tapos na ang bulok na diskarte na sisipsip sa nasa kapangyarihan at kapag nasa puwesto ay magnanakaw na sa gobyerno.

Hindi n’yo madedenggoy si Pangulong Duterte.

Kaya naman umaasa tayo sa mga bagong talaga sa gobyerno na sila na sana ang tunay na katuwang ng Pangulo tungo sa sama-sama nating pag-asenso.

Maraming salamat mahal na Pangulo sa inyong tunay na malasakit at tapat na paglilingkod.

***

PITIK LANG: Ayaw ko maniwala pero may kumakalat na balita Manila traffic czar Mr. Dennis Alcoreza na nakikinabang daw ang opisina mo sa mga “pergalan” ng isang “Marissa” na nagkalat sa lungsod, partikular sa mga pamilihan ng Blumentritt at sa Ilaya, Divisoria.

Pati raw mga station commander at barangay chairman na nakasasakop sa nasabing lugar ay patong kay Marissa.

Abangan ang ating follow-up! SA KANTO’T SULOK/ NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>