Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA KRITIKO NI DIGONG, SA DAYUHAN NAGPAPAKATUTA

$
0
0

HINDI kaya nagpapakatuta sa mga dayuhan ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa laging paghiling nila ng tulong sa mga ito tuwing may problema sila sa Pangulo?

Bakit hindi sila humin­gi muna ng tulong sa mga mamamayan bago nila hingan ng tulong ang mga dayuhan?

Isa pa, kung ano kasi ang ginawa nila noon, bumabalik sa kanila nga­yon at sila pa ang may ganang magreklamo.

SERENO AT HUDIKATURA

May ilang abogado ang nagsasabing dapat imbestigahan ng United Nations Commission on Human Rights si Pang. Digong sa pagiging banta sa Hudikatura.

Kaugnay ito ng diretsahang pagsasalita ni Pang. Digong laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at paghimok sa Kamara na kumilos na para i-impeach si Sereno.

Matanong lang ng ULTIMATUM: Hindi ba naging kakampi ang mga abogado ng administrasyon ni ex-Pres. Benigno Aquino na nagpatalsik noon kay Chief Justice Renato Corona at kay Ombudsman Merceditas Gutierrez?

Bakit hindi sila nag­reklamo noon sa UNCHR laban kay Aquino at sinabing naging banta si Aquino sa Hudikatura?

Sabagay, nahati ang grupo noon, kasama ang iba pang mga militante, dahil may pumabor sa Aquino action laban kay CJ Corona pero may kumampi naman sa huli dahil ito ang panahon na pumabor si Corona sa desisyon ng Supreme Court na ipamigay ang malaking bahagi ng Hacienda Luisita sa mga obrero-magsasaka sa nasabing asyenda.

12 HUKOM VS SERENO

May Pang. Digong o wala, ang SC mismo ay nahahati ngayon.

Siyam sa mga Hukom ang tuwirang gusto nang masibak si Sereno hangga’t maaari.

Tatlo ang nagpapakita ng pagiging neutral at sila ang mga pinakasenior justice.

Ang dalawa ay pro-Sereno na pro-Aquino rin dahil si Aquino ang nag-upo sa SC kay Sereno.

Isang tanong naman: Bakit hindi ireklamo ng mga abogado ang siyam na Hukom na ayaw kay Sereno bilang banta sa Hudikatura?

Isa pang tanong: Si Sereno ba ang buong Hudikatura at kung mawala si Sereno sa pwesto ay babagsak din ang Hudikatura?

HOODLUMS IN ROBES

Noong panahon ni Erap, may mga Hukom at huwes na tinawag niyang “hoodlums in robes.”

Mga siga-siga na may gawaing kriminal dahil sa pagiging tuta ng mga tiwali at mandarambong na politiko, tagabenta ng temporary restraining order at desisyon at iba pa.

Nang dumating si Pang. Digong, nadatnan nitong may mga huwes na kakampi ng mga druglord at inihain ang problema sa SC.

Banta ba sa Hudikatura ito?

ATIN-ATIN LANG

Sa pakikipanayan ng ULTIMATUM sa ilang huwes, nakatatakot ang mga nagaganap sa hanay ng mga huwes.

Alam ba ninyo na sa “ATIN-ATIN LANG” na usapan ng mga huwes, takot na takot silang humawak ng kaso sa droga noon at ngayon?

Takot silang patayin ng mga malalaking sangkot sa droga.

Ilang huwes at ilang abogado na nga naman ang napapatay dahil sa mga desisyon nila laban sa mga druglord?

May hawak kasi ang mga druglord na tumbador mula sa mga pusakal nilang mga tauhan at tauhang nasa pulisya at iba pa para pumatay ng mga huwes, piskal at abogadong lumalaban sa droga.

Isa pa, may mga yumayaman ding mga huwes, piskal at abogado mula sa grasyang hulog ng langit mula sa droga.

At may mga narco-politician din.

Tanong: Bakit hindi inirereklamo ang mga huwes, piskal at abogado na yumayaman sa droga at natatakot sa mga sangkot sa droga sa UNCHR dahil banta na ang mga ito sa Hudikatura?

MASAMANG TINAPAY

Wala tayong personal na masamang tinapay sa mga abogadong nagrereklamo sa UNCHR.

Bilang isang mamamahayag, nagtatanong lang tayo para magkaroon ng kasagutan sa mga agam-agam sa pagtakbo sa mga dayuhan ng mga kritiko ng Pangulo para humingi ng tulong laban dito.

Nagtataka lang tayo na hindi nila hingin muna sa sambayanan ang tulong bago sila tumakbo sa mga dayuhan bilang pangunahin nilang pwersa sa pagsolb sa kanilang problema kay Pang. Digong at administrasyon nito.

Hindi kaya maganda nilang isipin kung bakit sa kabila ng mga paninira ng mga politikong kalaban ni Pang. Digong, eh, nasa 80 porsyento pa rin ng mahigit 100 milyon Pinoy ang aprub sa pamamahala sa bansa ni Pang. Digong?

Ano sa palagay ninyo, mga Bro? ULTIMATUM/BENNY D. ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Best Papa jack Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>