MAGSASAGAWA ng libreng paglilinis ng poso negro ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) sa mga residente at establisyemento sa piling lugar sa Caloocan, Malabon, Manila, Parañaque, Quezon City, Valenzuela, at Cavite ngayong buwan.
Ilan sa mga lugar na hahandogan ng naturang serbisyo ay ang Barangay 167, 170, 172, 174, 176, 178 hanggang 181 sa Caloocan; Panghulo sa Malabon; Brgy. 20 sa Tondo, Manila; Baesa, Bahay Toro, Payatas, Santa Monica, Sauyo, at Talipapa sa lungsod ng Quezon. Gayuundin ang mga Barangay Arkong Bato, Mabolo at Malinta sa Valenzuela.
Ipatutupad din ito sa San Antonio, San Dionisio, at San Isidro sa Parañaque; Habay I at II, Ligas I hanggang III, gayundin sa San Nicolas I hanggang III sa Bacoor, Cavite; at pati narin sa Bayan Luma I hanggang IX, Bucandala I hanggang V at Carsadang Bago I at II sa Imus, Cavite.
“Pinayuhan namin ang aming mga customer na samantalahin ang serbisyong ito upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at kapaligiran,” pahayag ni Fernandez.
Upang malaman ang mga kinakailangang gawin at proseso, tumawag lamang sa Maynilad Hotline 1626. At para naman sa iba pang impormasyon, bistahin lamang ang www.mayniladwater.com.ph at social media accounts (Twitter: @maynilad, Facebook: MayniladWater).
Maynilad ang pinaka malaking water concessionaire sa Pilipinas base sa dami ng ng mga parokyano. Ahente at kontraktor ito ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa kanlurang bahagi ng Kalakhang Maynila, kabilang ang ilang parte ng Maynila, lungsod ng Quezon, kalurang bahagi ng South Super Highway sa Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon. Gayundin sa ilang bayan at syudad sa Cavite, gaya ng Bacoor, Imus, Kawit at Noveleta, pati narin sa Rosario. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG