Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

2 MEDIA, EX-CONG, PISKAL PATAY SA B/SK POLLS

$
0
0

SA kabila ng pagkalat ng mahigit sa 400,000 pulis at militar at iba pang ligal na armado sa buong bansa kaugnay ng halalang pam-Barangay at Sangguniang Kabataan, nakalusot pa rin ang mga armado ng baril para pumatay.

Bukod sa mahigit 30 kandidato at ordinaryong mamamayang nadamay sa B/SK polls, dalawang mediaman, isang piskal at isang ex-congressman ang pinatay rin.

Muntik ding napatay ang kontrobersyal sa droga na mayor sa Cebu, kung hindi nito gawa-gawa ang istorya gaya ng sinasabi ng iba.

ANG MEDIAMEN

Si kapattid na Edmund Sestoso, ng Dumaguete City, blocktimer ng dyGB 91.7 FM, pinatay ng ri­ding-in-tandem sa Brgy. Daro sa nasabing lungsod.

Ayon sa kanyang pa­milya, nakatanggap muna ng mga death threat si Edmund dahil sa kanyang pagiging broadcaster bago ito tuluyang tinumba ng mga killer.

Sinasabing kabilang sa mga tinatalakay umano nito sa kanyang programa ang korapsyon at droga.

Si kapatid na Carlos Arapoc Matas, host ng Zambo News Patrol sa DXCA Bell FM at DXBZ Radyo Bagting na nakabase sa Pagadian City ang sumunod na pinatay.

Hindi niya naligtasan ang grupo ng mga armadong rumatrat sa kanya sa Labangan, zamboanga del Sur.

Wala pang nahuhuli sa mga pumatay kay Edmund samantalang may tatlong patay sa hot pursuit operation sa mga pumatay kay Carlos.

May sinisilip nang pwedeng mga suspek sa pagpatay kay Edmund at mag-amang konsehal ng bayan at kagawad na kabarangay sa kanyang lugar naman ang suspetsang nasa likod ng pagpatay kay Carlos.

Sana mabilis na malutas ang mga kasong ito na pagpatay sa mga kapatid natin sa pagsusulong ng malayang pamamahayag.

EX-CONG ERIGUEL

Dead-on-the-spot naman si ex-Congressman Eufranio Eriguel, sa Agoo, La Union at bahagi ng 2nd district ng nasabing lalawigan maka­raan itong ratratin ng mga killer na may dalang ma­lalakas na armas.

Natamaan sa ulo at puso si Eriguel at namatay agad sa lugar ng krimen.

Dalawang umano’y badigard din nito ang namatay rin.

Nagsasalita si Eriguel kaugnay ng B/SK election sa harap ng mga mamamayan nang pagbabarilin siya ng mga sakay ng isang SUV.

Tinangka na rin si­yang patayin noong 2016 ngunit ang tsuper ng back-up vehicle nito ang namatay sa pambobomba.

QC PROSECUTOR

Hinarang saka pinagbabaril naman ng naka-Toyota Innova si Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod na ito.

Dalawang motorsiklo ang nakitang kasama ng Toyota Innova na umaligid at sumama sa di­reksyon ni Velasco.

Namatay rin agad ang piskal at muntik pang mapatay ang isang anak nito na nagtangkang lumapit sa bumaril sa kanyang ama.

May mga hawak umanong kaso ng droga si Velasco at maaaring may kinalaman dito ang pagpatay sa kanya.

SALUDO AT KUMILOS KAYO

Nasugatan sa bakbakan ng mga pumatay kay Matas at mga pwersa ng gobyerno si deputy chief ng Provincial Intelligence Branch na si S/Insp. Aiko Tesoro.

Saludo po ang ULTIMATUM sa inyong maagap na pagkilos laban sa krimeng medial killing, at kasama sa sinasaluduhan natin ang provincial at municipal police sa lugar.

Gayundin na sumasaludo ang ULTIMATUM sa mabilis na responde na ginawa nina Maj. General Roseller Murillo, commander ng 1st Infantry Division, Philippine Army, lalo na ang tropa ng 53rd Infantry Battalion sa pangunguna ni Cpt Roderick Alcantar.

Naatasan naman si Senior Superintendent Ronaldo Ylagan, QCPD deputy district director for operations na manguna sa pag-iimbestiga sa pagpatay kay Piskal Velasco, ayon na rin s utos nina QCPD Director Tolits Esquivel at NCRPO Director Camilo Pancracius Cascolan.

Sana malutas sa madaling panahon ang kasong ito.

Maaaring may halong droga o kaya’y talagang pulitika ang dahilan ng pagpatay kay Eriguel.

Nasa narcolist umano ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eriguel.

Pero kahit anong anggulo pa meron sa krimeng ito, umaasa tayo kay Heneral Romy Sapitula na may kahihinatnan ng kaso.

TAHIMIK PA RIN

Sa kabila ng mga patayang naganap, masasabi pa ring higit na malaya, mapayapa at malinis ang halalang naganap.

At malaki ang naging papel ng mga pulis, militar at iba pang armado ng pamahalaan sa pag­kamit ng matagumpay na halalan.

Kaya, sumasaludo tayo kina PNP chief General Oca Albayalde at AFP chief General Carlito Galvez Jr. sa pagpapakawala nila ng mga bantay bayan para siguruhin ang kaligtasan sa kamatayan at magulong halalan ang mga mama­mayan.

Malaki rin ang naitulong ng mga mamamayan sa maagap nilang pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga paglabag sa halalan sa mga awtoridad at napigilan ang sari-saring krimen kaugnay nito.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>