Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GALIT NA TITSER, PULIS AT PALPAK NA COMELEC

$
0
0

benny antipordaNAGHALO ang kapalpakan ng Commission on Elections at alat ng maraming politiko kahapon.

Pero sana, sa gitna ng lahat ng ito, ang kagustuhan ng mamamayan pa rin ang mamayani at hindi ang mga natutuwa sa mga palpak na Comelec.

PALPAK NA COMELEC

Grabe ang mga ulat ng kapalpakan ng Comelec.

Isang kapalpakan ang pag-amin mismo ng Comelec na may mahigit sa 200 Precinct Count Optical Scan machine na pumalya mula sa libo-libong o pagpapalit ng mga balota ng iba’t ibang malalayong lugar.

Palpak din ang suplay ng marker pen at lalong lumala ito nang walang maibigay ang Comelec na dagdag dito.

Pero tuwang-tuwa pa rin sina Mang Sixto sa naganap.

Kayo na, mga Bro, ang bahala sa mga taong-Comelec kung magkikita-kita kayo.

Hehehe!

PALPAK NA PCOS

Napakarami ang mga depektibong PCOS.

May mga hindi gumana, may walang CF card, may mga nagluluwal ng mga balota at marami pang iba.

May mga tuluyang hindi gumana.

Mayroon namang saka na lang nagbukas makaraan ang ilang oras.

Kaya nga, marami ang nainis at umuwi na lang.

‘Yung iba, naghintay na makasingit sa mga gumaganang PCOS na para sa ibang mga presinto.

MANO-MANO

Dahil sa mga palpak na PCOS o marker pen, wala nang ginawa ang mga Board of Election Inspector kundi tumunganga.

‘Yung iba, nagsagawa na lang ng mga mano-mano na pagboto.

Problema na lang ng mga taga-BEI kung paano igawan ng paliwanag sa Comelec ang kanilang ginawa.

Para sa atin, mas mabuti na ito kaysa hindi pabotohin ang mga mamamayan.

GALIT KAY MANG SIXTO

Marami rin palang nagalit kay Mang Sixto sa kautusan nitong hindi pupuwedeng gawing panghakot sa mga botante ang mga pampasaherong sasakyan.

Higit na nagalit ang mga senior citizen, ang mga buntis at ang mga may kapansanan kay Mang Sixto dahil pinahirapan daw sila.

Marami kasi, mga Bro, ang malalayo sa mga eskwelahan na pinagdausan ng botohan.

May kilo-kilometro ang layo at marami pa ang mga may sakit.

Hayun, nadamay ang mga team ni Mang Sixto sa Mala-kanyang.

Sa halip na team ni Mang Sixto ang kanilang ibinoto, ang kalaban ng mga ito ang minarkahan saka isinaksak sa PCOS.

Paano kung dahil kay Mang Sixto o hindi maka 12-0 ang kanyang team?

GALIT NA MGA TITSER

Maraming titser naman sa mga munisipyo ang galit sa kanilang mga mayor o nakaraan nilang mga mayor.

Galit ang mga titser dahil hindi umano sila binigyan ng alawans sa pagiging BEI.

Kaya naman, hindi sila bu-moto sa kanilang mga mayor o sinomang bina-back-up ng mga ito.

Minalas ang mga kandidato na inendorso ng ganitong mga mayor.

Akalain mo, pati ang pa-milya at kapitbahay ay kinam-panyahan ng mga galit na guro.

Eh, ang dami ng mga ‘yan.

GALIT NA MGA PULIS

Marami ring galit na pulis sa kanilang mga mayor o nakaraang mga mayor.

Parehas ang istorya ng mga ito sa masamang karanasan ng mga titser.

Pero may masahol sa parte ng mga pulis.

Kung alawans lang para sa halalan ang naging problema ng mga titser, taon ang haba ng kawalan ng alawans ng mga pulis.

Umaabot ng libo-libong piso ang singilin ng mga pulis sa kanilang mga mayor o former mayor.

Kaya naman, nangampanya rin pala ang mga ito sa kanilang mga kabaro, kapamilya, kapuso at kapitbahay na huwag iboto ang kanilang mayor o ex-mayor o inendorso ng mga ito na kandidato mula sa kaga-wad hanggang sa mga gobernador, kongresman at senador.

MAY NATUWA

Sa kabila ng mga kapalpakan ng Comelec at mga gamit nito sa halalan, okey naman sa iba ang lahat.

Sabi nila, higit na madali talaga ang pagboto dahil sa sistemang pinaiiral.

May mga lugar na may mga laptop sa bungad ng mga voting precinct.

Kung hindi mo makita ang iyong ngalan sa mga nakapaskil na listahan ng mga botante, doon ka sa mga may laptop magtanong.

Doon mo malalaman kung kasali ka o hindi sa halalan.

WALANG CHECHE BURETSE

Kabilang sa mga ikinatuwa ng mga botante ang kawalan ng cheche buretse o dadalhin sa iyong pagboto.

Basta maayos ang la-hat ng papeles mo noong panahon ng registration, ayos din ang daratnan mo sa oras ng pagboto.

Simple lang, mga Bro, ang paliwanag ng mga botante.

Naroon lahat ang mga palatandaan ng iyong sarili sa Book of Voters.

Naroon ang iyong ngalan, address, litrato at iba pang impormasyon.

Wala nang tanong-tanong makaraan kang pagmasdan ng mga BEI at ibi-gay sa iyo ang iyong balota para markahan.

Malas mo na lang kung walang ink ang marker pen.

WALANG FLYING VOTERS

Ang isang ikinatuwa ng mga botante, eh, tila hindi makalulusot ang mga flying voter sa sistema.

Ewan lang natin sa ibang lugar na pinayagan yata ang mga flying voter na bumoto.

Hindi nga lang kayang kontrahin ng sistema ang talamak na vote buying o pagpatay sa kalaban.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>