Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TIGILAN NA SI BINAY

$
0
0

BIGWAS_Gil BugaoisanSA mga social networking site gaya ng Twitter at Facebook ay nagkalat ang pang-aalipusta kay senator-elect Nancy Binay, lalong-lalo na ang mga alipores ng mga talunang kandidato.

Kesyo nanalo raw ito na ‘di man lang sumali sa debate. Kesyo nanalo raw ito kahit wala naman siyang karanasan at tanging ang nagpanalo sa kanya ay ang kanyang erpat na si VP Jojo Binay.

Kesyo nanalo raw ito kahit maiitim at kung ano-ano pang mga panlalait na kahit sinong taong makatanggap nito ay tiyak na mapapaiyak sa sakit.

Let me make it clear. Hindi ko ibinoto at hindi ko sinuportahan ang kandidatura ni Nancy Binay subalit hindi naman yata makatarungan na lait-laitin ng ilan ang kanyang pagkatao, maging ang kanyang itsura.

Maging ang mga tinitingalang artista na si Vice Ganda ay nakisawsaw sa panlalait sa pagkatao at kakayahan ni Nancy Binay na parang alam na alam niya ang tunay na pagkatao nito. At kapag nagsalita itong si Vice Ganda, eh, akala mo namang siya na ang pinakamabuting tao sa buong planet Earth.

Kung tutuusin nga, eh, mas nakapagtataka kung bakit tinatangkilik ng tao itong si Vice Ganda samantalang puro basura naman ang mga pauso nito na siyang dahilan naman kung bakit itong ating mga kabataan ay nahahawa na rin sa kanya.

Foul at sobrang personal itong mga ginagawang panlalait kay Nancy Binay. Marami ang mga hinalal na senador na mas walang karapatang maging senador.

Ang mas nakatatawa pa rito ay karamihan sa mga hindi matanggap-tanggap ang pagkapanalo ni Nancy Binay, eh, itong mga alagad ng bitter na talunan.

Mantakin mo ba naman kasi, eh, halos kung ano-anong gimik na ang kanilang ginawa para mapansin lang ng sambayanan pero bokya pa rin!

Ang saklap nga naman, ‘di ba? Lalo pa’t si Nancy Binay ay tahimik lang na nangangampanya. Pamotor-motorcade lang siya, eh, naging senador na siya. ‘Yung ibang mga kandidato, may mga pa-epek pang costume gaya ng paglalagay ng purple na alampay pero bokya pa rin hahahahaha! Hangsakeeeettttt.

Nanalo si Nancy Binay dahil siya ang iniluklok ng ating sambayanan. Malinaw na malinaw ‘yan. Siya ang pinili ng taumbayan at sa isang bansang demokrasya, kailangang igalang natin ito.

Tigilan na natin sana ang mga panlalait at pang-aalipusta kay Nancy Binay dahil gaya n’yo at gaya ko, marunong din naman siyang magalit at masaktan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>