Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BACK OFF NI NOYNOY, PFFFFFT!

$
0
0

baletodoHETO na naman ang postura ni G. Benigno Aquino III. Sinabihan ang China ng “back off” o sa wika natin, “alis diyan” o tsupi.

Ang reaksyon ay tungkol sa napabalita na mahigit 30 barko ng pangisda ng China ang dumating sa inaangkin na islang napakalapit sa ating munisipyo ng Kalayaan Island sa Spratlys Group.

Kasabay niyan ang pagyayabang na kaya raw depensahan ng bansa ang pambabraso ng China dahil parating na ang “ba-gong” repair na Hamilton cutter mula sa America.

Pero wait muna, sa July pa ang dating ng barko dahil tetesti-ngin daw muna baka lumubog sa maaalon na dagat.

Anak ng kagaw!

Ano ang magagawa ng dalawang Philippine Navy Hamilton cutters na iyan sa mas malalaki at mas makabagong armado na pandigmang mga barko ng China?

Mr. Noynoy naman, huwag mong isubo ang mamamayang Filipino sa war games na nasa isip mo. Hindi iyan ang solusyon. Sa Ingles, “It’s diplomacy, stupid!”

Mas makatutulong si Aquino sa ating mga kababayan kung magbubuhos siya ng totoong aksyon sa mga sakop natin na isla sa Spratlys.

Makailang ulit na nating isinulat ito pero tayngang kawali lang ang Malacanang. Kung bakit, tanging-ina, sila lamang ang nakaaalam. Laban tulad ng Play Station ang gusto?

Mr. Aquino, ipadala mo ang ating Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (AFP-PNP) Engineering Brigades sa munisipyo ng Kalayaan Islands. Sakay ng isang malaking barko, magdala kayo ng sangkatutak na semento, bakal, graba, mga kahoy o tabla, pako, martilyo at mga kauring gamit sa pagtatayo ng bahay o gusali.

Kung kailangan, kumuha kayo ng maraming tauhan na gagawa sa malawak at malakihang imprastraktura roon.

Gumawa ng airport, seaport at mga disenteng bahay para sa ating mga mamamayan at sundalo na nakatalaga roon.

Mag-imbita ng mga tao na gustong tumira roon pero puwede rin sa ayaw at gusto, dalhin ang mga nakakulong na habambuhay ang parusa.

Ibig sabihin, ipakita sa China na tinatauhan natin ang ating mga isla.

Ang inyong “back off” na sagot sa pambu-bully at pananakot ng China ay bakla sa dilang bakla. Pinagtatawanan lang kayo dahil alam nila ang kapasidad ng military at pulisya natin.

Ang inyong “back-off” ay lalo pang magtutulak sa mga Intsik na babuyin tayo lalo na ang pagyayabang ninyo na kaya natin silang labanan sa puwersang military.

Hindi na uso ang “ang mamatay nang dahil sa iyo”, G. Aquino!

Kung ang maliit na Taiwan nga hindi mo maasikaso, ang isubo mo pa sa giyera ang buhay nang mga Filipino?

BACK OFF, NOYNOY!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>