ISA sa maituturing na pinakamahalagang ating mababago sa ating pagkain ay ang pagdaragdag ng bilang ng mga sariwang prutas at gulay na ating kinakain. Ang mga bagong pitas at ligtas sa kemikal na mga bungang kahoy at gulay ay ang mga pinakamayamang mapagkukunan ng mga “antioxidants”, na nakatutulong sugpuin ang anomang pinsalang maidudulot ng mga “free radical”.
Ang mga ito rin ang nagtataglay ng mga mapangalagang “phytochemicals”, gaya ng “flavonoids” at “carotenoids”.
Upang makakain ng mga gulay at prutas na may pinakamarami at mataas na kalidad na sustansiya at bitaminang maibibigay sa atin ay kailangang kumain ng iba’t ibang uri ng mga ito na inyong mapagpipilian.
Halimbawa, ang pagbili ng mga prutas at gulay na may matitingkad na kulay gaya ng berdeng berde at sariwang talbos ng kamote o kaya naman ay ang magaganda at dilaw na dilaw na saging.
May mga prutas at gulay na nagtataglay ng mga sangkap na lubhang mapangalaga o mapagbigay ng depensa laban sa sakit. Ang mga ito ang nararapat ninyong bilhin at kainin.
Ang mga gulay na broccoli, repolyo, cauliflower at mga kauri na nabibilang sa tinatawag na “cruciferous family”.
Ang mga pagkain na may mayaman sa vitamin C at betacarotene ay sagana ring mapagkukunan ng mga anti-oxidant. Ang broccoli, mga prutas na maaasim, siling pula, strawberry ay mga mahuhusay na pagkaing makapagdudulot ng vitamin C.
Ang mga maberdeng kulay na gulay naman at madilaw na kulay na prutas gaya ng apricots, carrots, cantaloupe at kamoteng baging ay may mataas na betacarotene, na malaking maitutulong para mabaligtad ang “precancerous changes” sa mga selyula.