MUKHANG totoong nararamdaman na ang ipinagyayabang na balita ng pamahalaang Aquino na gumaganda na ang ekonomiya sa bansa.
Kabi-kabila kasi ang mga classified ads hinggil sa mga bakanteng posisyon sa iba’t ibang kompanya, lalo na iyong nasa industriya ng services tulad ng mga call center at iba pang mga trabaho. At isa sa mga kompanyang tumatanggap ngayon ng mga aplikante ay ang Mohur Inc. na isang bago ngunit matatag na korporasyon na nakabase sa Pilipinas.
Base sa kanilang pahatid-ulat, kasalukuyan silang tumatanggap ng mga aplikante para sa mga nagtapos ng Accounting, Banking and Finance, Economics, Marketing, Business Administration at anomang degree na may kaugnayan sa information technology.
Sa mga interesadong aplikante ay puwede silang magsadya sa tanggapan ng Mohur sa 22 Purdue Street corner New York Avenue malapit sa Genesis bus terminal sa EDSA, Cubao, Quezon City at hanapin si Ms. Liza Baquiran.
Ang maganda rito sa Mohur ay kahit iyong mga bagong graduate at wala pang karanasan ay binibigyan nila ng tsansa basta mapatunayan lang nilang kaya nilang gampanan ang trabaho.
Nagsimula na ang screening ng mga aplikante kahapon at magpapatuloy hanggang sa mapunuuan nila ang kanilang pangangailangan. Para sa iba pang detalye ay maaaring tawagan si Liza sa mga numerong (02) 9111218, 9119991 at 09228835921 o ‘di kaya ay i-email siya sa Liza.Baquiran@1mohur.com.
Siguro ang Mohur na nga ang sagot sa mga naghahanap ng trabaho nating mga kababayan at pruweba na rin na gumaganda na nga ang ekonomiya gaya nang sinasabi ng administrasyong Aquino.
* * *
Samantala, mukhang may panibagong problema si Presidente Aquino sa kanyang communications group sa Palasyo. Halatang-halata na hindi na masaya si Noynoy sa ginagawa ng mga bata niya na en-kargado sa pagpapaganda ng imahe ng administrasyon.
Katunayan ay hindi na ginamit ni Noynoy ang isinulat na speech na dapat sana ay sasabihin niya sa pagtitipon ng isang grupo ng mga reli-hiyoso noong nakaraang linggo.
Mukhang maraming dapat ipaliwanag ang speechwriters na nasa ilalim ni Ricky Carandang na hepe ng Pre-sidential Communications Development and Strategic Planning Office.