ANG Month of the Ocean (MOO) celebration at ang mayamang coral reefs ng bansa ang naging pangunahing atraksyon ngayong buwan ng Mayo, ito ay ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon JP Paje.
Nagkaroon ng iba’t ibang aktibidad, sa naturang selebrasyon na may temang “Ang Bahura ay Kagubatan sa Karagatan, Ating Pangalagaan.” (The Coral Reefs are the Forest of the Seas, Let us Protect Them), pinangunahan ng DENR ang nasabing mga aktibidad.
Kailangan nating protektahan at pangalagaan ang ating mga coral reef sapagkat ang mga ito ang nagsasanggalang ng natural sa ating mga baybay dagat, at nagbibigay rin ng katangi-tanging benepisyong pang-ekonomiya na nagbibi-gay benepisyo sa milyong Filipino partikular sa pangisdaan”.
Ayon pa kay Kalihim Paje, ang iconic species of MOO 2013 ay ang thresher shark (Alopias pelagicus) na regular na nakikita sa Monad Shoal sa Cebu’s Malapascua Island. “Classified as a vulnerable species, this predator’s presence is an indicator of the reef ecosystem’s good health”.
Ang Pilipinas ay kilala na tahanan ng Palawan’s Tubbataha Reefs Natural Parks, na deklaradong World Heritage site ng United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) at Wetland of International Importance by the Ramsar Convention.
Ang Apo Reef Natural Park sa Occidental Mindoro na kinokonsiderang pangalawang pinakamalaking coral reef system in the world, next to Australia’s Great Barrier Reef.
Ang two world–renowned reefs, kasama pa ang iba pang coral reefs sa bansa at sa 240 milyong ekterya ng tubig at ang natural na kalikasan na nagbibigay ng pagkain mula sa mga lamang tubig ay pinanggagalingan ng 80 porsiyento ng protein requirement para sa katawan at kalusugan ng mga Filipino.

