Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PST

$
0
0

intonISA raw sa dahilan ng mabagal na pag-angat nating mga Filipino sa buhay ay ang madalas na ‘di natin pagsunod sa takdang oras o “Filipino time” kung tawagin. Lagi raw tayong late.

Ang hindi maganda at hindi maipagmamalaking reputasyong ito ay tumatak na sa ating mga Filipino.

Ito ang nagpatunay na magaling tayong mga Fili-pino sa iba’t ibang larangan at kayang makipagsabayan sa kahit na sino sa mundo, hindi pa rin naihihiwalay sa atin ang pangit na reputasyong ito ng “Filipino time”.

Kailan lang ay napirmahan ng Pangulo ang “Republic Act 10535” o Philippine Standard Time (PST), kung saan isinabatas na at gagawing eksaktong magkakapareho ang oras sa lahat ng opisina ng pamahalaan, nasyonal man o lokal. Idinek-lara rin ng batas na “National Time Conciousness Week” ang unang linggo ng taon.

Sa ilalim ng batas na ito ay kailangang makipag-ugnayan ng bawat opisina at ahensiya ng gobyerno sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration minsan sa isang buwan upang siguruhin na tugma ang oras ng mga opisina sa PAGASA. Dahil  PAGASA ang  magbibigay ng oras ayon sa Network Time Protocol.

PAGASA rin ang naatasan na makipag-ugnayan sa Department of Science and Technology upang masubaybayan at mapanatili ang Philippine Standard Time sa buong bansa.

Siyempre pa, may kaukulang parusa ang bawat paglabag sa batas.

Tulad ng iba pa nating mga batas na tamang implementasyon pa rin ang kailangan upang maging epektibo ang batas na ito at  makamit ang mabuting layunin.

Talaga  namang may national standard time ang mga bansa pero ang mahalaga ay kung paano ito makatutulong sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan.

Ang pagpasok at pag-uwi sa trabaho sa tamang oras, ang pagrespeto sa “takda at tamang oras para sa mga bagay” ay ilan lamang sa maraming binibigyang diin ng RA10535.

Sa huli, disiplina pa rin ang kailangan at pagpapahalaga sa kahalagahan ng bawat oras ng ating buhay.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>