Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DAPAT NAG-INHIBIT ANG COMPLAINANT

$
0
0

abiso_newSAFETY versus inconvenience. Right to protection versus right to accessibility. Public interest versus personal interest.

Ito ang away kapitbahay na pinalaki ng isang partido para makuha ang gusto nila. Sabi nga ng mga abogado, napaka-petty para patulan ng Ombudsman.

Ang hindi naiintindihan ng ibang tao ay hindi ganoon kadali ang situwasyon ng mayor o ninomang opisyal ng lokal na pamahalaan. Parehong residente ang apektado sa hidwaang ito.

Sa isang banda hindi mo masisisi ang mga residente ng North Rimview para gumawa ng mga hakbang para protektahan ang kanilang mga pamilya laban sa krimen na dulot ng riding in tandem, akyat-bahay, atbp.

Natural para sa homeowners association (HOA) na mag-implement ng mga security measure, lalo na ‘yung mga kakaibang hakbang, para bumaba ang insidente ng krimen sa kanilang subdivision.

Lalo na kung meron namang ibang HOA na pinayagan na maglagay ng mga barrier ng isang taon para makita ng city hall kung epektibo nga ito laban sa krimen. Ang hepe ng pulis na mismo, si Col. Gabriel Lopez, ang nagsabi na pabor s’ya sa paglalagay ng mga gate as a preventive measure.

Ang mali naman ng HOA ng North Rimview ay hindi sila nag-apply ng exemption sa ordinansa mula sa City Council. Pati nga ‘yung building permit, hindi sila kumuha sa engineering department para sa tinayo nilang guard house, boom, at humps. So may pagkukulang din talaga ang HOA officials.

Ang apat na residente naman ng Panorama Street na nagrereklamo ay may sarili ring karapatan. Bagamat minor lang ito kasi maaa-ring sabihin na mere inconvenience lang ito, pabor sa kanila ang batas kasi nga may ordinansa na nagbabawal sa pagtatayo ng barriers sa public roads.

Bilang mayor, lahat ‘yan ay kinokonsidera mo at maselang balancing act ang kailangan para sa isang win-win solution. Umaksyon naman ang mayor at ang mga sangay ng pamahalaan kasi tinanggal ang boom pagkatapos mag dialogue ang HOA at ang barangay captain na si Ronnie Ortiz.

Ang problema, pagkalipas ng ilang buwan ay binalik ulit ito ng HOA dahil sa mga insidente ulit ng krimen. Pasaway rin talaga ang HOA ng North Rimview.

Pero, mas pasaway ang isang complainant na pinangangalandakan ang kanyang impluwensya para i-bully ang city hall na pumabor sa kanya. Siya na ang complainant, siya pa ang dirinig sa kaso, siya pa ang nagmaniobra sa desisyon.

Hindi ba ito grave abuse of authority? Tanungin nga natin ang Ombudsman.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>