STATESWOMAN itong si Jessica Soho ng GMA 7.
Tinanggap niya ang public apology sa pamamagitan ng telebisyon ni Vice Ganda, este, Pangit.
Bibihira ang katulad ni Jessica na matapos na lait-laitin at isalpak sa hindi magandang usapin sa harap ng libong katao ay agad na magpatawad.
Sa kabila nito, masasabi nating hindi pa tapos ang kontrobersya.
Sapagkat batay sa pahayag mismo ni Vice Ganda-Pangit, si Jessica lamang ang buburahin niya sa kanyang mga lait-laitin sa publiko at ikawing sa mga hindi katanggap-tangap na usapin.
PANGIT NA GAWA
Kaya natin tinawag na Pangit si Vice ay dahil sa pagkaladkad nito ng mga personalidad para lang siya makakuha ng atensyon at magkapera.
Hindi natin papatulan ang paglalarawan niya sa kanyang sarili na anyo siyang kabayo.
Dito sa huli niyang konsiyerto kuno, kinaladkad niya hindi lang si Jessica kundi maging si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Inilarawan niyang pangit si ex-PGMA sa oras ng pagsasabi nito ng “I am sorry” ukol sa dayaan sa eleksyon ilang taon na ang nakalilipas.
Bagama’t hindi maganda talaga ang dating ng pag-appear ni ex-PGMA kaugnay ng dayaan sa halalan na isinuka ng sambayanan, hindi pa rin maaalis ang katotohanang minsan nang naging Pangulo ito ng bansa at isang Congresswoman ulit na pinagkakatiwalaan ng daang libo pa ring mamamayan.
Isang malaking pandaraya naman ang ginawa ni Vice Pangit sa paggamit ng depekto ng iba para lang sumikat at magkapera.
PANGIT PA NA GAWA
Akalain ba nating isalpak si Jessica sa rape situation.
Gang-rape ang kailangan para magtagumpay ang rapist sa laki ni Jessica, ayon kay Vice Pangit.
Anak ng tipaklong, nanginginig na nga ang bansa sa grabeng mga kasong rape, parang ipino-promote pa nito ang krimen.
Ginagawang katawa-tawa ni Pangit ang krimeng ikinamamatay, ikinababaliw at ikinasisira ng kinabukasan ng mga kababaihan at kalalakihan.
Pati ang pamilya ng mga biktima ay nasisira rin.
Danasin kaya ni Vice Pangit ang ma-gang rape, mapatay, mawasakan ng pamilya at mawalan ng kinabukasan ang pamilya, tingnan lang natin.
VIZCONDE AT CHONG GANG RAPE
Para mabigyan ng sampol itong Vice Pangit kung gaano kasama ang pinaggagawa niya kay Jessica, muli nating buhayin sa ating alaala ang mga malalagim na kasong Vizconde gang rape sa BF Homes sa Parañaque City at Chong sisters gang rape sa Cebu.
Alam ba ni Vice Pangit na hindi lang naglaho ang buhay at kinabukasan ng mga biktimang ito dahil sa gang rape?
Pati ang kanilang mga pamilya nasira rin.
At alam ba ninyo na pati ang hustisya sa bansa ay pinagdudahan dahil sa mga gang rape na ito?
Sapagkat may pahiwatig na may kinikilingan ang hustisya sa mga kasong ito.
Napakaraming usapin ang nagaganap sa gang rape na ikinababagsak pa mismo ng moral at dangal ng maraming kababaihan at ikinasisira na rin ng imahe ng bansa sa mundo.
ISANG PANGIT PA
Sabi nitong Vice Pangit na ‘to, kahit kailan ay hindi na niya isasama pa si Jessica sa lahat ng tema ng kanyang mga darating na konsiyerto.
Ibig bang sabihin mayroon pang Jessica o ex-PGMA kaya na gagamitin ni Vice Pangit para lang siya sumikat at magkapera?
Sa pakiramdam natin, hindi maganda at talagang pangit ang paggamit ng mga depekto ng tao para maging katatawanan at pagkakaperahan na rin sa huli.
Tulad ng ipinupunto pa natin, hindi rin maganda kundi pangit na gawing katatawanan at puhunan ni Vice Pangit ang mga malagim na krimeng gang rape.
ISUKA, BOYKOTIN
Para sa akin, dapat nang isuka at boykotin ang mga konsiyerto at palabas ni Vice Ganda.
Hayaan nating mag-isip-isip muna nang matino ang Pangit na Bisyo ng komedyanteng ito.
Kung maaari ay pagpahingahin muna ng media station na kinapapalooban nito ang Pangit na Bisyo.
Pangit talagang Bisyo ang pang-iinsulto para lang magkapera.
At pangit talagang pagkaperahan ang gang rape.
Sana rin, hindi i-replay sa telebisyon ang konsiyerto ni Pangit na Bisyo.
Dahil kapag nangyari ito, tiyak na magkakaroon ng lamat ang istasyong gagawa nito.
BALASUBAS NA DRIVER
Good am po, Sir Benny. ‘Pag nabiktima po ba ng mga balasubas na tricycle driver, saan po ba dapat mag-complain?
Lalo na kung babae ang biktima at kasama pa ang mga menor de edad na mga anak nito?
Papaano po ba ang pag-file ng complain at saan? Thanks po, sir. 0928665….(Pupuwede po kayong magsimula sa barangay na nakasasakop ng problema at mula roon, malalaman na ninyo ang mga susunod pang hakbang.
PROBLEMA SA SSS
Sir Benny, sana po ay matulungan n’yo kami.
Mga guwardiya kami ng Corinthian Group of Companies.
Mga kliyente ng security agency namin ang Smart, PLDT, SM hypermart, atbp.
‘Di po kami hinuhulugan para sa SSS at PAGIBIG pero tuloy-tuloy ang kaltas nila sa amin para rito.
Mag-one year na rin ang backpay namin na hindi nila binabayaran.
Sana po makarating sa top management ng Smart, PLDT at sm ang ginagawa nilang pagsasamantala sa mga katulad naming security guard. 0929245….
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.
