TOTOO ba ang tsismis na nalagpasan na ng Pilipinas ang China sa larangan ng kaunlaran?
Hindi tsismis ‘yan, ang sabi ng Malakanyang. Nitong nakaraang tatlong buwan, 7.8 percent ang ibinilis ng pag-asenso ng Pilipinas compared to the 7.7 percent ng Tsina.
Kung totoo ‘yan, ang sabi ng mga hindi believe sa Palasyo, bakit lalong naghihirap ang Pinas at ang Tsina naman ay lalong nagiging mayaman?
Simple lang ang paliwanag diyan, pero eto muna ang isang clarification. Ang mga namumuno lang ng ating bansa ang yumayaman at nakikinabang sa 7.8 percent growth na ‘yan. The rest, 80 percent ang hula, ay lugmok pa rin sa kahirapan, ke middle class ka o poorest of the poor.
Ang growth na ito raw ay eventually will trickle down to the poor at ang mahihirap, balang araw, ay makatitikim na rin ng ginhawa.
Ang trickle down na ‘yan ay never na nangyari kailanman. Kumbaga sa imbudo na puno ng kayamanan, barado lagi ang imbudong ‘yan at ang patak ay mas matumal pa sa ambon.
Pero balik tayo sa 7.8 percent growth ng Pinas at 7.7 percent growth ng Tsina. Halimbawa, kung ang kayamanan ng Tsina ay P100 noong nakaraang taon at naging P120 lang ngayong taong ito, ang ibig sabihin ay bumagal ang kita ng Tsina.
Ngunit ang pera ng Pinas ay piso lang at naging P2 ngayong taong ito. Aba’y 100 percent growth ‘yan. Kaya sinasabi ng Malakanyang ay mas mabilis na ang growth rate natin kaysa Tsina.
Saan naman galing ang dagdag na pisong ito ng Pinas? Siyempre, galing sa taxes at dagdag singil na galing naman sa mga mahihirap. Hinihigop ng mga mayayaman at mga politiko ang perang iyan patungo sa kanilang mga bulsa.
The post 7.8 GROWTH RATE, TSISMIS LANG appeared first on Remate.
