AYON kay NWRB OIC Executive Director Elenito M. Bagalihog, isinagawa nila ang “Multi-Stakeholders’ Consultative Workshop on the Review of the Water Code of the Philippines” para sa mga taga-Timog Katagalugan.
Ang konsultasyon sa publiko ay kinakailangan upang magbigay daan para sa pagpapakalat ng impormasyon, pakikipagtalakayan at pakikipagdayalogo pati na rin ang pagkakalap ng mga mahahalagang input, komento at rekomendasyon.
Mahigit 50 mga kinatawan mula sa regional/local government units (LGU), non-government organizations, akademya, water districts, irrigators’ associations, farmer organizations at ang pribadong sektor mula sa Region IV-A (Calabarzon), Region IV-B (Mimaropa) at Region V (Bicol) ang nakibahagi sa workshop.
Kabilang sa mga mahahalagang input ng pangkat sa ilang mga probisyon ng Water Code ay ang mga sumusunod:
1. Paglagay ng “institutional” bago ang recreational at ibang paggamit ng tubig;
2. Isama ang advance water conservation technologies;
3. Maipahayag na magamit sa paglalayag ang mga ilog, lawa at look sa loob ng protektadong lugar (alinsunod sa NIPAS Act) nang naaayon sa PAWB;
4. Magpanukala ng LGU ng water use plan sa pakiki-pag-ugnayan sa water district sa kanilang lugar;
5. Hindi dapat ipawalang-bisa ang Presidential Decree (PD) 198;
6. Mapanatili ang lumang pamagat ng Kabanata 6 at isama ang watersheds;
7. Isama ang DENR-EMB lalo na ang Clean Water Act at Hazardous and Toxic Wastes;
8. Tanggalin ang buong Kabanata Chapter 8;
9. Isakatwiran ang lahat ng mga bayarin sa tubig na kinokolekta ng iba’t ibang ahensiya; Probisyon para sa sistema ng gantipala o insentibo para sa mga mag-uulat ng mga paglabag;
10. Tukuyin ang mga probisyon sa PD at iba pang mga batas na ipawawalang-bisa.
The post REVIEW OF THE WATER CODE OF THE PHILIPPINES appeared first on Remate.