NO BAIL recommended ang nakasaad sa “warrant of arrest” na pinalabas ni Olongapo RTC Branch 74 Judge Roline M. Ginez-Jabalde laban sa apat na pulis-Olongapo na umano’y nag-”kidnap for ransom” sa kapatid at hipag ng artistang si Jake Vargas.
Ito Ang Totoo: kaugnay ng criminal case no. 255-13, ipinaaaresto ni Judge Ginez-Jabalde sina PO1 Eleazar T. Jimenez, PO3 Alejandro Qui-nit, PO3 Arnold Chantengco at PO1 Jayson Asuncion.
Pero tatlong araw bago lumabas ang warrant noong May 21, 2013, pinatay ng “riding-in-tandem” ang abogado ng mga Vargas na si Atty. Lan Vela Cruz.
Ang masaklap, mag-iisang buwan na ang “warrant of arrest,” hindi naman dinarakip ang apat na pulis na itinalaga sa Aurora Province PNP matapos masangkot sa kaso.
May kaso na ngang “kidnap-for-ransom” at dapat na-sa Aurora, haharahara lamang sila sa Olongapo at, sa katunayan, nagpabinyag pa ng anak ang isa kamakailan lang.
Ito ang Totoo: obligasyon ng kahit sinong pulis na hulihin sina Jimenez, Quinit, Chantengco at Asuncion at ang Aurora PNP ay dapat panagutin sa pananatiling laya ng apat kahit may “warrant” na “no bail recommended” pa.
Nasasalamin ang kahinaan ng liderato ni PNP Region 3 Director Edgardo T. Ladao at mukhang wala siyang kontrol sa mga opisyal niya sa Central Luzon na padrino ng mga akusadong kidnapper na pulis.
Paano na ang Metro-Manila kapag natuloy na maging hepe ng PNP National Capital Region si Ladao?
***
Marami pang iregularidad sa kontrata ng Subic Bay Metropolitan Authority at Global Terminals and Development, Inc. (Global) ng isang Rose B. Baldeo at ipagpapatuloy natin ang pagbubunyag sa mga susunod na kolum natin.
Hinihintay rin natin ang aksyon ng SBMA board at ni Pangulong Noynoy Aquino kung sasampulan niya ang mga humihiya sa kanya sa ipinagmamalaki niyang tuwid na daan.
Noong Martes ay ibinul-gar natin na halos libre pala ang upa ng Global sa lupa at gusali sa pakikipagsabwatan ng mga dating namumuno sa SBMA. May mga nauna na rin tayong rebelasyon kung paano iniisahan ng Global ni Baldeo ang SBMA at mamamayan.
Abangan!
The post KIDNAPPERS NA PULIS AT GLOBAL NI BALDEO appeared first on Remate.