Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA BUWITRE

$
0
0

bobby-ricohermosoKAWAWA naman ang mga kababayan nating mga nagtatrabaho sa ibang bansa, lalo na iyong mga kababaihan na tumakas mula sa pang-aapi at pang-aabuso ng kanilang mga amo.

Lumabas kasi sa pagsisiyasat na ginawa ni Akbayan Rep. Walden Bello na mismong mga taga-Philippine Embassy sa mga bansang pinagtatrabahuhan nila ay nagsasamantala rin sa kanila.

Sinabi ni Bello, pinuno ng House committee on overseas workers’ affairs, na natuklasan niya na hindi bababa sa tatlong opisyal ng mga embahada sa sa Syria, Kuwait at Jordan ang mga pasimuno sa pambababoy sa ating mga kababayang babaeng OFW.

Lumitaw sa pagsisiyasat na pinipilit ng mga hayok na opisyal ng embassy na makipagtalik sa kanila ang mga babaeng run-away kapalit ng pabor para mauna sila sa listahan na makauwi sa bansa.  Ang tawag sa ganitong raket ay sex for fly na tinatawag din ng OFWs na “sex palit uwi”.

Tsk-tsk-tsk! Matindi rin naman ang kahayupan ng mga opisyal na ito na sa halip na gawin ang trabaho na tumulong sa mga distressed OFW ay sila pa ang nagsasamantala sa kahinaan ng mga ito.

‘Di pa nakuntento  ang mga buwitre at ibinebenta pa nila sa iba pang kagaya nilang sugapa sa laman ang mga biktima. Dahil sa wala silang magawa ay maraming biktima ang pikit-matang pumapayag na ibenta ang kanilang laman kaya lumalabas na pinagkakaperahan pa sila ng mga opisyal na ito.

Gaya ng inaasahan ay nagpahayag ng pagkabigla kuno ang mga opisyal natin dito sa bansa tulad ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon.

Nangako sila na paiimbestigahan ang mga sangkot pero ngayon pa lang ay nagpa-una na siya na kailangang may lumabas na mga biktima para maghain ng pormal na reklamo.

Dahil sa pahayag na ito ay tiyak na walang mangyayari sa imbestigasyon sapagkat siguradong wala namang biktima ang lulutang para ipahiya ang sarili at ibulgar sa mundo ang nangyari sa kanya. Ang natuklasan ni Bello ay sa Syria, Kuwait at Jordan pa lang, paano pa kaya ang mga nasa iba gaya ng UAE, Saudi Arabia, Hong Kong at iba pa?

Sana ay huwag ipagwalang-bahala ni Pangulong Noynoy ang isyung ito at paimbestigahan niya ang mga opisyal at parusahan kapag napatunayan ang kanilang kasalanan.

The post MGA BUWITRE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>